Sabi ng Netflix, 'Hindi compatible ang app na ito sa device mo.'

Kung nakikita mo ang error message sa ibaba kapag sinusubukan mong gamitin o i-install ang Netflix sa Android device mo, karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang device mo o hindi ito Play Protect certified. (Ibig sabihin, hindi nito makukuha ang Netflix app mula sa Google Play Store.)

Error message

Hindi compatible ang app na ito sa device mo.

Para ayusin ang problema:

Tablet with power icon indicating turn off process

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Buksan ang Play Store app.

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Profile icon mo.

  3. I-tap ang Settings > About.

  4. Sa ilalim ng Play Protect certification, tingnan ang status ng certification ng device mo.

Kung nakita mo ang Certified ang device, makipag-ugnayan sa amin para sa higit pang tulong.

Kung hindi certified ang device mo, kakailanganin mong gumamit ng supported device para makapanood ng Netflix. Inirerekomenda naming makipag-ugnayan ka sa manufacturer ng device mo para magtanong ng device na certified ng Play Protect. Para alamin pa, pumunta sa support page tungkol sa certification ng Play Protect ng Google.

Mga Kaugnay na Article