Sabi ng Netflix, 'Hindi na available ang Netflix sa device na ito.'

Kung makikita mo ang error code na R4, R12, o R25-1, o isa sa mga message na nasa mga box sa ibaba, ibig sabihin, hindi na kayang i-support o hindi na masu-support ng device mo ang Netflix pagkatapos ng partikular na petsa. Pakitandaan, may kinalaman sa device mo ang error na ito. Hindi nagbago ang Netflix account at membership mo.

Mga error message:

Hindi na available ang Netflix sa device na ito. Pumunta sa netflix.com/compatibledevices para sa list ng mga supported na device.

Sa kasamaang-palad, hindi na available ang Netflix sa device na ito pagkalipas ng (DATE). Pumunta sa netflix.com/compatibledevices para sa list ng mga supported na device.

Mae-enjoy mo pa rin ang Netflix sa maraming iba't ibang supported na device.

Kung may streaming stick, cable box, o game console ka na naiko-connect sa TV mo gamit ang HDMI cable, tingnan kung may Netflix app ito.

Palagi kaming nagsisikap na makapagbigay ng tuloy-tuloy, dekalidad, at secure na karanasan sa Netflix. Kung hindi na nakakatanggap ang device ng mga kinakailangang update mula sa manufacturer na ito o hindi na ito nakaka-support ng mga bagong feature, puwede naming ihinto ang support para dito.

Hindi makakapag-cast sa TV mula sa mobile device ang mga customer na may Netflix plan na may ads.

Puwede mong gamitin ang phone o tablet mo para manood ng Netflix sa TV mo gamit ang video cable/adapter o sa pag-cast ng Netflix sa TV kung saan supported ang Chromecast, Miracast, o 2nd screen. Para alamin kung sinu-support ng TV mo ang pag-cast, tingnan ang manual ng device o makipag-ugnayan sa manufacturer.

Para alamin pa, tingnan ang Paano gumamit ng mobile device para manood ng Netflix sa TV.

Kung hindi na supported ang device mo ng Netflix at gusto mong ihinto ang paggamit nito, pag-isipang i-repurpose, i-refurbish, o i-recycle ito:

  • I-repurpose: Puwede mong i-reuse ang device mo para sa iba pang magagawa sa screen o i-donate ito sa lokal na organisasyon.

  • I-refurbish o I-recycle: Alamin kung nag-aalok ng trade-in o recycling program ang retailer/manufacturer ng device. Kung hindi, i-recycle ang device sa malapit na e-waste o electronics recycling facility.

    Para sa privacy at seguridad mo, lubos naming inirerekomendang i-factory reset o i-delete mo muna ang personal data sa device mo bago ito i-donate o i-trade. Para alamin kung paano i-reset ang device mo, tingnan ang manual ng device o makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa nito.

Mga Kaugnay na Article