Sabi ng Netflix, 'Hindi na supported ang kasalukuyang app version na ito. Paki-upgrade ang OS at App version.'

Kung nakikita mo ang Netflix error code na nagsisimula sa "R" (hal., R22-1 o R39-1) o ang message sa ibaba, ibig sabihin nito na dapat i-update ang Netflix app at/o operating system (OS) ng device mo sa version na supported para patuloy na gumana.

Error message:

Hindi na supported ang kasalukuyang app version. Paki-upgrade ang OS at App version. (R39-1)

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

Para i-update ang Netflix app o ang OS sa Android TV, phone, tablet, o iba pang Android-based device mo, sundin ang steps sa ibaba.

  1. Sa Android phone o tablet mo, buksan ang Netflix page sa Play Store.

  2. I-tap ang I-update.

Tandaan: Kung hindi mo nakikita ang option na ito, updated na ang app mo.

Pag-troubleshoot

Puwede mong i-update ang OS (operating system) ng Android device mo sa Settings app. Puntahan ang support site ng Google para makuha ang eksaktong steps o mag-troubleshoot ng isyu.

Kung nakikita mo pa rin ang message pagka-update o walang available na update, ibig sabihin, hindi na supported ang device mo. Sina-suggest naming makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng device mo para malaman kung puwede itong i-update para i-support ang Netflix, o gumamit ng ibang device na supported ng Netflix para patuloy na manood.

Para i-update ang Netflix app o OS sa iPhone o iPad mo, sundin ang steps sa ibaba.

  1. Pumunta sa home screeen, at i-tap ang App Store.

  2. I-tap ang Search, at ilagay ang "Netflix".

  3. Sa listahan, hanapin at i-tap ang Netflix, at i-tap Update. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  4. Kapag tapos na ang update, subukan ulit ang Netflix.

Puwede mong i-update ang iPhone o iPad mo sa pinakabagong available na version ng iOS o iPadOS sa Settings app. Pumunta sa support site ng Apple para makuha ang eksaktong steps o para mag-troubleshoot ng isyu.

Kung nakikita mo pa rin ang message pagka-update o walang available na update, ibig sabihin, hindi na supported ang device mo. Para patuloy na manood, kailangan mo ng ibangdevice na supported ng Netflix.

Para i-update ang Netflix app o OS sa Apple TV mo, sundin ang steps sa ibaba.

Kung naka-enroll ang Apple TV mo sa Beta Updates, kailangan mong i-off ang setting na ito bago sundin ang steps sa ibaba.

  1. Pumunta sa home screen, at piliin ang Settings.

  2. Piliin ang System > Software Updates > Update Software.

  3. Kung available, piliin ang I-download at I-install.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Kung may nakikita kang error habang ina-update ang Apple TV mo, i-restart ang device mo, at subukan ulit ang update. Kung hindi nito naayos ang problema, kailangan mong sundin ang steps ng Apple para i-factory reset at i-update ang Apple TV mo.

  1. Buksan ang App Store app.

  2. Sa itaas ng screen, piliin ang Purchased.

  3. Sa kaliwa, piliin ang All Apps.

  4. Sa listahan ng apps, hanapin at piliin ang Netflix.

  5. Kung available, piliin ang Update. Kung hindi mo nakikita ang option na ito, up to date na ang Apple TV mo

  6. Subukan ulit ang Netflix.

Kung nakakuha ka ng error habang sinusubukan mong mag-update na nagsasabing, "Hindi ma-update ang Netflix dahil na-refund ito o nabili gamit ang ibang Apple account." baka kailangan mong i-uninstall at i-reinstall ang Netflix app para ayusin ang problema.

Kung nakikita mo pa rin ang message pagka-update o walang available na update, makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang tulong.

Mga Kaugnay na Article