Sabi ng Netflix, 'Hindi supported ng app ang device na ito.'

Kung may nakikita kang error sa Android device mo na nagsasabing

Hindi supported ng app ang device na ito.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay luma na ang version ng Netflix app na naka-install sa device mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

I-reinstall ang Netflix app

Aalisin ng steps na ito ang anumang na-download na TV show o pelikula na naka-save sa device mo at isa-sign out ka sa Netflix account mo.

Kung Android phone o tablet mo ang ginagamit mo, buksan ang page ng Netflix sa Play Store, i-tap ang Uninstall, tapos, i-tap ang Install.

Ire-reinstall din ng steps na ito ang app:

  1. Buksan ang Play Store app, at i-search ang "Netflix."

  2. Hanapin at i-tap ang Netflix app sa list.

  3. I-tap ang I-uninstall.

  4. I-tap ang I-install, at maghintay hanggang matapos ito.

  5. I-tap ang Buksan, at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article