Sabi ng Netflix, 'Hindi compatible ang device mo sa version na ito.'

Kung sinusubukan mong i-download ang Netflix app sa Play Store at nakikita mo ang message na ito:

Hindi compatible ang device mo sa version na ito.

Nangangahulugan ito na hindi nakakatugon ang Android device mo sa mga kinakailangan ng Google Play Store para sa pag-download ng Netflix app.

Para ayusin ang problema:

Tingnan ang status ng Play Protect ng device mo
  1. Buksan ang Play Store app.

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Profile icon mo.

  3. I-tap ang Settings > About.

  4. Sa ilalim ng Play Protect certification, tingnan ang status ng certification ng device mo.

Kung nakita mo ang Certified ang device, makipag-ugnayan sa amin para sa higit pang tulong.

Kung hindi certified ang device mo, kakailanganin mong gumamit ng supported device para makapanood ng Netflix. Inirerekomenda naming makipag-ugnayan ka sa manufacturer ng device mo para magtanong ng device na certified ng Play Protect. Para alamin pa, pumunta sa support page tungkol sa certification ng Play Protect ng Google.

Mga Kaugnay na Article