Paano gamitin ang Netflix sa Meta Quest (Oculus) VR headset mo

Available ang Netflix sa Meta Quest Browser para sa mga Meta Quest headset.

Para mag-sign in sa Netflix account mo sa Meta Quest headset mo:

  1. Sa Apps menu, buksan ang Meta Quest Browser app.

  2. Mag-navigate sa search bar at i-search ang “netflix.com”.

  3. Piliin ang Mag-sign In.

Available ang Netflix sa mga Meta Quest headset na ito:

  • Meta Quest 2

  • Meta Quest Pro

  • Meta Quest 3

  • Meta Quest 3S

Navigation
Puwede kang mag-browse sa mga row ng mga TV show at pelikula, kasama na rito ang row para sa mga pinili mo sa List Ko. Kumakatawan ang bawat row sa isang category (halimbawa, mga comedy o drama) na ipapakita namin sa iyo batay sa mga pinanood mo.

Resolution
Puwede kang manood ng mga TV show at pelikula sa HD (1080p) resolution sa Meta Quest Browser.

Mga subtitle at alternate audio
Alamin kung paano i-on ang mga subtitle, closed caption, at alternate audio, na available sa karamihan ng mga TV show at pelikula. Puwede mong i-customize ang hitsura ng mga subtitle at caption sa maraming device. Sa mga device na hindi supported ang pag-customize, ipapakita ang mga subtitle at caption sa default na hitsura ng mga ito.

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

  1. Sa Apps menu, buksan ang Meta Quest Browser app.

  2. Mag-navigate sa search bar at i-search ang “netflix.com”.

  3. Piliin ang profile mo.

  4. Mag-navigate sa profile icon mo sa kanang sulok sa itaas, at piliin ang Mag-sign out sa Netflix.

Mga Kaugnay na Article