Paano manood ng Netflix sa TV mo

Para manood ng Netflix sa TV mo, kailangan mo ng device na may Netflix app. Available ang Netflix app sa maraming:

  • Smart TV

  • Set-top box

  • Blu-ray player

  • Game console

Sa mga TV na puwedeng pang-Netflix, nasa main menu o home screen ang Netflix app. Kung may app store ang TV mo, i-search ang Netflix para malaman kung available ang app.

Paalala:
Kung minsan, kailangang i-update ang device para makita at ma-install ang Netflix app. Kung hindi ka sigurado kung paano i-update ang system software sa TV mo, tingnan ang owner's manual mo o makipag-ugnayan sa manufacturer.

Sa mga TV na wala ang app, puwede kang gumamit ng streaming media player o mobile device para manood ng Netflix sa TV.

Mga Kaugnay na Article