Available ang pinakabagong version ng Netflix app sa iPhone at iPad na may naka-install na iOS/iPadOS 17 o mas bago. Alamin kung paano hanapin ang version ng device mo.
Para mailagay ang Netflix sa iPhone o iPad mo, sundin ang steps sa ibaba.
Buksan ang App Store.
Pindutin ang Search.
I-type ang Netflix sa Search bar at i-tap ang Search button.
Pindutin ang Netflix na search result.
Pindutin ang Get o i-tap ang Cloud icon.
I-tap ang Netflix icon sa Home screen.
Ilagay ang email address at password mo sa Netflix, at pindutin ang Mag-sign In.
Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.
Kasama sa mga feature sa streaming ng Netflix para sa mga supported device ang:
Pag-search
Mag-search mula mismo sa Netflix app kapag ginagamit mo ang iPhone o iPad mo para makahanap ng TV show at pelikula.
Mga subtitle at alternate audio
Habang may nagpe-play na TV show o pelikula, i-tap ang screen para palabasin ang mga option mo sa pag-play. Sa kanan, may makikita kang option na i-enable ang mga subtitle, kung available.
Mga Download
Puwede kang mag-download ng mga TV show at pelikula na puwedeng panoorin offline sa mga iOS device na may naka-install na iOS 9 o mas bago.
Video out
Supported sa mga iPhone at iPad ang video out sa pamamagitan ng ilang compatible na Apple-specific connection kit. Available ang iba pang impormasyon sa support site ng Apple.
Picture in Picture (requires iOS 14 or later)
Pinapayagan ka ng ilang iPad at iPhone model na manood ng Netflix habang gumagamit ng iba pang app. Pumunta sa support site ng Apple para sa detalyadong instructions sa paggamit ng feature na ito.
Paalala: Hindi available ang Picture in Picture sa mga plan na may ads.
Spatial Audio (kailangan ng iOS 14.6 o mas bago)
Supported sa Netflix Premium plan ang spatial audio sa mga compatible na iPad at iPhone model na gumagamit ng AirPods Pro at AirPods Max headphones. Para sa detalyadong instructions sa paggamit ng spatial audio, puntahan ang support site ng Apple.
Note: Supported ang spatial audio kapag nagsi-streaming ng Netflix gamit ang internet connection. Gagamit ng stereo o binaural audio ang mga na-download na TV show at pelikula.
High Dynamic Range (HDR)
Puwedeng i-play ng ilang iPhone at iPad model ang Netflix sa Dolby Vision o HDR. Para i-check kung supported ng mobile device mo ang HDR, pumunta sa seksyon sa ibaba.
Tandaan:Baka hindi laging mag-stream sa HDR ang ilang mobile device kahit may makikitang HDR label, halimbawa, kung nasa low power mode ang device o kung gumagamit ito ng cellular connection.
Mga compatible na model at resolution
Dapat na gumagamit ng pinakabagong version ng iOS ang mga iPhone na may support sa HDR para makapanood ng Netflix sa HDR.
| |
iPhone 5, iPhone 5C, at iPhone 5S iPhone 6, iPhone 6S iPhone 7 iPhone SE (1st generation)
| 480p (iOS 5 at iOS 6) 720p (iOS 7 at mas bago) |
| |
| |
iPhone 8 Plus iPhone X, iPhone XS, iPhone XS Max iPhone 11 Pro, iPhone 11 Pro Max iPhone 12, iPhone 12 mini, iPhone 12 Pro, iPhone 12 Pro Max iPhone 13, iPhone 13 mini, iPhone 13 Pro, iPhone 13 Pro Max iPhone SE (3rd generation) iPhone 14, iPhone 14 Plus, iPhone 14 Pro, iPhone 14 Pro Max iPhone 15, iPhone 15 Plus, iPhone 15 Pro, iPhone 15 Pro Max iPhone 16, iPhone 16 Plus, iPhone 16 Pro, iPhone 16 Pro Max
| |
Dapat na gumagamit ng pinakabagong version ng iPadOS ang mga iPad na may support sa HDR para makapanood ng Netflix sa HDR.
| |
| 480p (iOS 5 at iOS 6) 1080p (iOS 7 at mas bago) |
iPad (5th, 6th, 7th, 8th, 9th, at 10th generation) iPad Air (1st, 3rd, at 4th generation) iPad Air 2 iPad mini 2 iPad mini 3 iPad mini 4 iPad mini (5th at 6th generation) iPad Pro 9.7" iPad Pro 12.9" (1st generation) | |
iPad Pro 10.5" iPad Pro 11" (1st, 2nd, at 3rd generation) iPad Pro 12.9" (2nd, 3rd, 4th, 5th, at 6th generation) | |
Paalala:Puwede ring mapanood ang Netflix gamit ang Safari browser sa mga iPad na gumagamit ng iPadOS 13 o mas bago.
| |
iPod touch 6th generation iPod touch 7th generation | 480p (iOS 6) 720p (iOS 7 at mas bago) |