Paano i-download ang Netflix app
Available ang Netflix sa maraming device. Posibleng naka-install na ang Netflix app o posibleng kailangan mo pa itong i-download at i-install.
Kunin ang Netflix app sa phone o tablet
Para i-install ang Netflix, sundan ang link para sa device mo mula sa smartphone o tablet mo.
Kunin ang Netflix app sa computer
Available ang Netflix app para sa ilang computer. Para i-install ang Netflix, sundan ang link para sa computer mo sa ibaba.
Sa Windows 10 o mas bagong computer, puwedeng mag-download ng Netflix app sa Microsoft Store.
Sa Chromebook, puwedeng mag-download ng Netflix app sa Google Play Store. Para sa tulong sa pag-install ng apps, pumunta sa Google Support site.
Para makapanood ng Netflix nang walang app, pumunta sa netflix.com gamit ang supported web browser.
Kunin ang Netflix app sa TV o TV streaming device
Sa karamihan ng mga device, naka-install na ang Netflix app at maa-access mo ito mula sa main menu, o sa Netflix button sa remote mo. Kung hindi mo makita ang Netflix sa main menu o remote, posibleng may app store sa device mo kung saan mo puwedeng i-download ang Netflix app. Kung hindi mo makita ang app store o kung wala roon ang Netflix, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo para malaman kung paano mo maa-access ang Netflix.