Paano i-uninstall ang Netflix app sa mga Android device

Para i-uninstall ang Netflix app sa Android phone o tablet mo, sundin ang steps sa ibaba. Kapag inuninstall ang Netflix app, made-delete ang kahit anong TV show at pelikulang na-download mo sa device.

Karamihan ng mga Android device

  1. Buksan ang Google Play Store app.

  2. I-search ang Netflix.

  3. Sa store page ng Netflix app, piliin ang Uninstall.

    • Kapag inuninstall ang Netflix app, made-delete ang kahit anong TV show at pelikulang na-download mo sa device.

  4. Para i-confirm, piliin ang OK.

Puwede mong i-reinstall ang Netflix kahit kailan.

Amazon Fire Phone

  1. Magsimula sa home screen.

  2. I-swivel ang phone mo o mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen para buksan ang Quick Actions panel.

  3. Piliin ang Settings.

  4. Piliin ang Manage Applications.

  5. Piliin ang Netflix.

  6. Piliin ang Uninstall.

  7. Piliin ang OK para i-confirm.

Puwede mong i-reinstall ang Netflix kahit kailan.

Kindle

Hindi na mare-reinstall ang mga Kindle Fire device na may Netflix 3.16 o 4.16 kapag na-uninstall. Kung gusto mong gamitin ang Netflix app sa device na ito, puwede mong i-clear ang file system ng device pero huwag i-uninstall ang app.
  1. Piliin ang Apps.

  2. Pindutin nang matagal ang icon ng Netflix.

  3. Piliin ang Remove from device.

  4. Piliin ang OK.

Nook

Paalala:
Kapag nag-erase o nag-deregister, hindi made-delete ang kahit anong content mula sa Barnes & Noble account mo. Mada-download mo ulit ito kahit nag-erase o nag-deregister ka.
Kapag nag-erase o nag-deregister ka, made-delete ang kahit anong file na inilipat mo mula sa computer mo papunta sa Nook Color mo. Siguraduhing na-back up ang mga file na ito bago gawin ang steps sa ibaba.
  1. Sa ibaba ng screen, i-tap ang puting arrow sa gitna ng Quick Nav bar.

  2. I-tap ang icon ng Settings.

  3. I-tap ang Device Info.

  4. I-tap ang Erase & Deregister Device.

  5. I-tap ulit ang Erase & Deregister Device.

  6. I-tap ang Reset Nook.

  7. Kapag nag-reset at nag-restart na ang Nook, sundan ang on-screen instructions para maka-connect sa Barnes & Noble account mo.

Pagkatapos mong i-uninstall ang app, puwede mong i-relaunch ito ito kahit kailan para patuloy na makapanood.

Mga Kaugnay na Article