Mag-ayos ng problema sa Android phone o tablet mo

Kung hindi gumagana ang Netflix sa Android phone o tablet mo, kadalasan, maaayos mo ang problema gamit ang basic steps na ito para sa pag-troubleshoot.

Tablet with power icon indicating turn off process

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kapag ni-reset mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.

  1. Pumunta sa home screen o list ng apps ng device mo.

  2. I-tap nang matagal ang Netflix app, at i-tap ang App info.

  3. I-tap ang Storage & cache > Clear storage > OK.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Posibleng iba ang steps para i-clear ang data ng app para sa device mo. Para sa tulong, tingnan ang manual na kasama ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa nito.

Aalisin ng steps na ito ang anumang na-download na TV show o pelikula na naka-save sa device mo at isa-sign out ka sa Netflix account mo.

Kung Android phone o tablet mo ang ginagamit mo, buksan ang page ng Netflix sa Play Store, i-tap ang Uninstall, tapos, i-tap ang Install.

Ire-reinstall din ng steps na ito ang app:

  1. Buksan ang Play Store app, at i-search ang "Netflix."

  2. Hanapin at i-tap ang Netflix app sa list.

  3. I-tap ang I-uninstall.

  4. I-tap ang I-install, at maghintay hanggang matapos ito.

  5. I-tap ang Buksan, at subukan ulit ang Netflix.

  1. Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com.

  2. Hintaying matapos ang test.

Kung may nakikitang error message sa browser mo o hindi naglo-load ang website, ang ibig sabihin nito ay hindi naka-connect sa internet ang device mo. Baka kailangan mong i-troubleshoot ang home network mo o ang connection ng device mo sa internet.

Sa step na ito, hayaang naka-off at hindi nakasaksak ang device mo at ang lahat ng home network equipment mo nang sabay-sabay sa loob ng 30 segundo bago mo isaksak ulit isa-isa ang bawat device.

  1. I-off ang mobile device mo.

  2. Bunutin sa saksakan ang modem mo (at ang wireless router mo, kung hiwalay itong device) nang 30 segundo.

  3. Isaksak ang modem mo at hintayin hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink. Kung hiwalay ang router mo sa modem mo, isaksak ito at hintayin hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink.

  4. I-on ulit ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Subukang i-search sa Help Center namin ang error code o problemang mayroon ka. Baka may article na may steps na makakaayos sa mismong problema mo.

Kung hindi naayos ng steps ang problema o kung walang article na tumugma sa problema mo, makipag-ugnayan sa Customer Service para sa karagdagang tulong.

Mga Kaugnay na Article