Hindi makapag-download ng TV show o pelikula

Hindi lahat ng TV show at pelikula ay puwedeng i-download, kaya baka makita mo ang icon na I-download sa ilang title pero hindi sa iba.

Kung hundi mo nakikita ang icon na I-download para sa kahit anong TV show o pelikula, baka may problema sa device mo, o baka hindi puwedeng mag-download sa device mo. Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema.

Tandaan:Kapag na-delete ang Netflix app, made-delete din ang kahit anong TV show o pelikulang na-download mo.

Tandaan:Baka kailanganin mo ang Apple ID at password mo para i-reinstall ang app.

  1. Sa home screen ng device mo, i-tap nang matagal ang screen hanggang sa mag-shake ang mga icon ng app.

    • Sa mga mas lumang version ng iOS, i-tap nang matagal ang icon ng Netflix app hanggang sa mag-shake ito.

  2. Sa kaliwang sulok sa itaas ng icon ng Netflix, i-tap ang - o X, pagkatapos ay Delete App. Kapag na-delete na, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen, o pindutin ang button na Done o Home depende sa device mo para ihinto ang pag-shake.

  3. Buksan ang App Store at i-search ang "Netflix."

  4. Piliin ang libreng Netflix app mula sa Netflix, Inc.

  5. Para i-install ang app, i-tap ang icon ng cloud.

  6. Kapag na-install na, subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi ka pa rin makapag-download ng mga TV show o pelikula pagkatapos i-update ang Netflix app, o kung na-install mo na ang pinakabagong version ng Netflix app, baka hindi puwedeng mag-download sa device mo.

Mga Kaugnay na Article