Kulang ang mga episode o season ng isang TV show
Kung minsan, nagre-release ang Netflix ng mga episode para sa mga TV show nang paisa-isa o nang nasa rolling schedule sa halip na gawing available nang sabay-sabay ang lahat ng episode.
Kapag hindi sabay-sabay inilalabas ang mga episode, posibleng ito ay dahil:
Licensed ang title at karaniwang magiging available sa Netflix ang episode isang araw o isang linggo pagkatapos nitong ma-broadcast sa original network nito. Posibleng mag-iba-iba ang eksaktong petsa kung kailan magiging available sa Netflix ang isang episode, kasama ang lahat ng available na subtitle at options sa audio para sa episode, at posibleng depende ito sa schedule ng original broadcast.
Paalala:May ilang lingguhang TV show na humihinto sa loob ng ilang linggo. Kung hindi maglalabas ng episode ang original broadcaster, hindi ito puwedeng i-release ng Netflix. Pagkabalik ng show, itutuloy namin ang aming lingguhang release schedule.
Pailan-ilan nire-release ang mga episode, karaniwang sa loob ng ilang linggo. Karaniwan ito sa mga Netflix reality show para maging mas exciting at masaya habang nanonood ka.
Nahati sa dalawang bahagi ang isang season, kung saan may ilang episode na-release sa part one at ire-release ang iba pa sa part two sa ibang pagkakataon.
Kung wala sa Netflix ang buong season ng isang TV show, malamang dahil ito sa availability ng mga karapatan sa licensing.