Paano gamitin ang Netflix sa Vizio TV o Blu-ray player mo

Gamitin ang article na ito para alamin ang tungkol sa mga feature ng Netflix sa Vizio TV, Blu-ray player, o home theater system mo. Kung hindi mo alam kung supported ng device mo ang Netflix, sundin ang steps sa section na “ I-set Up ang Netflix.”

Available ang Netflix sa maraming device na Vizio. Kasama sa mga feature sa streaming ng Netflix para sa mga supported device ang:

Mga Supported na Rehiyon
Available ang Netflix sa mga Vizio TV at Blu-ray player sa United States at Canada.

Navigation
Sa karamihan ng mga device, makakapag-browse ka sa mga row ng mga TV show at pelikula, kasama ang isang row na para lang sa mga napili mo sa List Ko. Kumakatawan ang bawat row sa isang category gaya ng mga comedy, drama, o TV show na ipapakita namin sa iyo batay sa mga pinanood mo.

Resolution
Karamihan ng mga device ay makakapag-stream ng Netflix sa high definition sa may mabibilis na internet connection at magpe-play ng Netflix sa maximum supported resolution ng mga ito.

Mga kontrol ng magulang
Puwede kang mag-set ng mga kontrol ng magulang sa bawat profile.

Mga subtitle at alternate audio
Alamin kung paano i-on ang mga subtitle, closed captions, at alternate audio (kabilang ang 5.1 surround sound), na available sa maraming TV show at pelikula. Puwede mong piliin ang hitsura ng mga subtitle at caption sa maraming device. Ang ilang device ay nagpapakita ng mga subtitle at caption sa default na hitsura ng mga ito, o hindi naka-set up para magpakita ng mga subtitle.

Sa ilang device, puwede ka ring mag-stream ng mga piling title gamit ang Dolby Atmos audio, kasama na ang mga model sa ibaba. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Dolby Atmos, pumunta sa aming article tungkol sa paggamit sa Dolby Atmos sa Netflix.

  • Mga Vizio TV (2018 o mga mas bagong modelo)

Para i-connect ang Vizio TV, Blu-ray player, o home theater system sa Netflix account mo, tiyaking nasa Home screen ka at piliin ang option sa ibaba na pinakamahusay na naglalarawan sa device mo.

Pakitandaang available lang ang Netflix sa mga Vizio TV at Blu-ray player sa United States at Canada.

  1. Pindutin ang Netflix button sa remote mo.

  2. Piliin ang Mag-sign In.

    • Kung hindi mo nakikita ang Mag-sign In, piliin ang Oo sa screen na Member ka ba ng Netflix? .

    • Kung hindi ka pa member, i-set up ang membership mo.

  3. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix.

  4. Piliin ang Mag-sign In.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.

Para magsimula ulit o mag-sign in gamit ang ibang email address kahit kailan sa prosesong ito, gamitin ang arrow keys sa controller mo para i-enter ang sumusunod na sequence:

  • Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up

  • Piliin ang Sign Out, Start Over, o Deactivate.

  1. Piliin ang Netflix icon.

  2. Piliin ang Mag-sign In.

    • Kung hindi mo nakikita ang Mag-sign In, piliin ang Oo sa Miyembro ka ba ng Netflix? .

    • Kung hindi ka pa member, i-set up ang membership mo.

  3. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix.

  4. Piliin ang Mag-sign In.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.

Para magsimula ulit o mag-sign in gamit ang ibang email address kahit kailan sa prosesong ito, gamitin ang arrow keys sa controller mo para i-enter ang sumusunod na sequence:

  • Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up

  • Piliin ang Sign Out, Start Over, o Deactivate.

  1. Pindutin ang Vizio Internet Apps button sa remote mo (makikita sa ilalim ng mga pula, dilaw, berde, at asul na button, sa ibaba ng mga arrow button).

  2. Piliin ang Netflix app.

  3. Pindutin ang Ok.

  4. Piliin ang Mag-sign In.

    • Kung hindi mo nakikita ang Mag-sign In, piliin ang Oo sa screen na Member ka ba ng Netflix? .

    • Kung hindi ka pa member, i-set up ang membership mo.

  5. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix.

  6. Piliin ang Mag-sign In.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.

Para magsimula ulit o mag-sign in gamit ang ibang email address kahit kailan sa prosesong ito, gamitin ang arrow keys sa controller mo para i-enter ang sumusunod na sequence:

  • Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up

  • Piliin ang Sign Out, Start Over, o Deactivate.

  1. Buksan ang Play Store sa tablet na kasama ng TV mo.

  2. I-tap ang magnifying glass sa kanang sulok sa itaas.

  3. Hanapin ang Netflix.

  4. I-tap ang Netflix app sa list.

  5. I-tap ang Libre at pagkatapos ay OK.

  6. Kumpleto na ang pag-install kapag makikita na sa itaas ng screen ang Successfully Installed Netflix.

  7. Lumabas sa Play Store.

  8. Hanapin at buksan ang Netflix app.

  9. Ilagay ang email at password mo sa Netflix.

  10. Kapag naka-sign in ka na, piliin ang Cast icon sa kanang sulok sa itaas ng screen.

  11. Piliin ang Vizio TV mo mula sa list para buksan ang Netflix app sa TV mo.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.

Paalala:Hindi compatible ang Netflix sa Vizio SmartCast app. Para gamitin ang Netflix sa Vizio TV mo na may Chromecast built-in, kailangan mong gamitin ang Netflix app mula sa Play Store.

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

    Paalala:Kung hindi mo nakikita ang Humingi ng Tulong, pumunta sa itaas at pilin ang Settings.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong, Mga Setting, o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, Magsimula Ulit, I-reset, o I-deactivate.

  1. Buksan ang Netflix app sa tablet mo.

  2. Piliin ang Menu icon. Lalabas ito na sa kaliwang sulok sa itaas o sa kanang sulok sa itaas.

  3. Piliin ang Mag-sign Out.

  4. I-confirm na gusto mong mag-sign out sa account mo.

Available ang Netflix sa Ultra HD sa karamihan ng mga Vizio Ultra HD TV. Para makapag-stream sa Ultra HD, kakailanganin mo ng:

Available ang Netflix sa Dolby Vision sa mga piling Vizio TV. Para mag-stream sa Dolby Vision, kakailanganin mo ng:

  • Smart TV na may support para sa Dolby Vision o HDR10 at Netflix.

    • Kung gumagamit ka ng HDR-capable na Blu-ray player, kailangan mo itong i-connect sa HDR-capable na smart TV gamit ang HDMI port na may support para sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang ang HDMI 1 port).

  • Netflix plan na may support sa pag-stream sa Ultra HD.

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis pa.

  • Streaming quality na naka-set sa Auto o High.

Mga Kaugnay na Article