Dolby Atmos sa Netflix

Puwede kang mag-Netflix nang may Dolby Atmos audio sa mga piling TV show at pelikula.

Kailangan mo ng:

I-search sa Help Center ng Netflix ang device mo. Kung available ang Dolby Atmos, makikita ang mga model sa seksyon ng mga feature. O, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo para sa iba pang impormasyon.

Para sa instructions sa pag-set up sa device mo, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo.

Inirerekomenda namin ang bilis ng internet connection na hindi bababa sa 3 megabits per second.

Kung may system kang compatible sa Dolby Atmos at plan na supported ang pag-stream sa Ultra HD, may makikitang Dolby Atmos icon sa tabi ng description ng mga available na title: .

Hindi lahat ng episode o season ng TV show na supported ang Dolby Atmos ay magkakaroon ng Dolby Atmos. Hindi lahat ng TV show o pelikula ay supported ang Dolby Atmos sa lahat ng wika.

Ang Dolby Atmos ay surround sound format na nagbibigay sa nakikinig ng immersive na 3D surround sound effect, na parang nanggagaling ang tunog sa maraming direksyon.

Mga Kaugnay na Article