Mga bilis ng internet na inirerekomenda ng Netflix
Para makuha ang pinakamagandang video quality kapag nanonood ng mga TV show, pelikula, o live event sa Netflix, inirerekomenda namin ang stable na bilis ng internet connection(tulad ng ipinapakita sa table sa ibaba).
Video quality | Resolution | Inirerekomendang bilis |
High definition (HD) | 720p | 3 Mbps o mas mabilis |
Full high definition (FHD) | 1080p | 5 Mbps o mas mabilis |
Ultra high definition (UHD) | 4K | 15 Mbps o mas mabilis |
Paano i-manage ang video quality ng Netflix
Maraming salik ang puwedeng makaapekto sa video quality habang nagsi-stream. Tingnan ang Paano makuha ang pinakamagandang video quality para sa mga detalye.
Paano i-manage ang paggamit ng data at bandwidth
Kung nililimitahan ng internet plan mo ang paggamit mo ng data, puwede mong baguhin o bawasan ang dami ng data na ginagamit ng Netflix.
Kung nililimitahan ng internet service provider mo ang bilis ng internet mo, subukang baguhin ang setting ng video quality mo para sa mas stable na connection o ayusin ang mga isyu sa pag-buffer.
Paano alamin ang bilis ng internet mo
Para alamin ang bilis ng internet mo sa mobile phone, tablet, o computer, magbukas ng web browser at pumunta sa Fast.com.
Sa ibang device, tulad ng TV o device na naka-connect sa TV, puwede mong tingnan ang bilis ng internet mo sa Netflix app sa pamamagitan ng pagsunod sa steps na ito: