Paano makuha ang pinakamagandang video quality
Tiyaking pinapanood mo ang Netflix sa pinakamataas na posibleng quality, HD, 4K Ultra HD, o HDR man ito.
Automatic ka dapat na nakakakuha ng pinakamagandang quality, pero kung hindi kasingganda ng inaasahan mo ang lumalabas, posibleng makatulong ang article na ito.
Kung gusto mong palitan ang video quality ng mga na-download mo, tingnan ang Paano palitan ang video quality ng isang download.
Sundin ang steps sa ibaba. Kung gumawa ka ng anumang pagbabago, tumigil at tingnan kung may nangyaring pagbabago bago ka magpatuloy.
Nanonood ka ba sa computer o mobile device? Baka kailangan mong i-check ang ilan pang bagay. Tingnan ang article para sa device mo para sa iba pang impormasyon: Windows, Mac, Android phone/tablet, iPhone/iPad.
Kung sinunod mo na ang lahat ng step pero hindi mo pa rin nakukuha ang video quality na gusto mo, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo.