May support ang Netflix para sa dalawang High Dynamic Range (HDR) video format, ang Dolby Vision at HDR10. Kung nakakatugon ang Mac mo sa requirements sa ibaba, lalabas sa mga TV show at pelikula na mapapanood sa HDR ang HDR o DV sa tabi ng paglalarawan ng mga ito.
Para makapag-play ng HDR content sa Mac computer mo, kailangan mo ang mga sumusunod:
Ang pinakabagong version ng Safari browser
Compatible na Mac model na may HDR-capable display
macOS Catalina 10.15.4 o mas bago
Kung gumagamit ng cable o adapter, kailangan nitong i-support ang HDR
Naka-on ang preset na Apple XDR Display o checkbox na High Dynamic Range sa System Preferences > Display
Naka-off ang option na Optimize video streaming while on battery sa System Preferences > Battery