Paano gamitin ang Netflix sa iPhone o iPad mo

Alamin ang mga feature ng Netflix sa iPhone o iPad, pati na kung paano mag-set up at mag-sign out sa account mo. Kung hindi mo alam kung gumagana ang Netflix sa device mo, sundin ang steps sa seksyong “I-set Up ang Netflix.”

Available ang pinakabagong version ng Netflix app sa iPhone at iPad na may naka-install na iOS/iPadOS 17 o mas bago. Alamin kung paano hanapin ang version ng device mo..

Paalala: Puwede mong ilagay ang Netflix app sa mga iOS device na may naka-install na iOS 5 o mas bago kung na-download na dati ang app. Alamin kung paano mag-download ulit ng mga app sa App Store.

Para mailagay ang Netflix sa iPhone o iPad mo, sundin ang steps sa ibaba.

  1. Buksan ang App Store.

  2. Pindutin ang Search.

  3. I-type ang Netflix sa Search bar at i-tap ang Search button.

  4. Pindutin ang Netflix na search result.

  5. Pindutin ang Get o i-tap ang Cloud icon.

  6. I-tap ang Netflix icon sa Home screen.

  7. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix, at pindutin ang Mag-sign In.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.

Kasama sa mga feature sa streaming ng Netflix para sa mga supported device ang:

Pag-search
Mag-search mula mismo sa Netflix app kapag ginagamit mo ang iPhone o iPad mo para makahanap ng TV show at pelikula.

Mga subtitle at alternate audio
Habang may nagpe-play na TV show o pelikula, i-tap ang screen para palabasin ang mga option mo sa pag-play. Sa kanan, may makikita kang option na i-enable ang mga subtitle, kung mayroon.

Mga Download

Puwede kang mag-download ng mga TV show at pelikula na puwedeng panoorin offline sa mga iOS device na may naka-install na iOS 9 o mas bago.

Video out
Supported sa mga iPhone at iPad ang video out sa pamamagitan ng ilang compatible na Apple-specific connection kit. Available ang iba pang impormasyon sa support site ng Apple.

Picture in Picture (kailangan ng iOS 14 o mas bago)
Pinapayagan ka ng ilang iPad at iPhone model na manood ng Netflix habang gumagamit ng iba pang app. Pumunta sa support site ng Apple para sa detalyadong instructions tungkol sa paggamit ng feature na ito.

Note: Hindi available ang Picture in Picture sa plan na may ads.

Spatial Audio (kailangan ng iOS 14.6 o mas bago)
Supported sa Netflix Premium plan ang spatial audio sa mga compatible na iPad at iPhone model na gumagamit ng AirPods Pro at AirPods Max headphones. Para sa detalyadong instructions sa paggamit ng spatial audio, puntahan ang support site ng Apple.

Note: Supported ang spatial audio kapag nagsi-stream ng content. Gagamit ng stereo o binaural audio ang mga na-download na TV show at pelikula.

High Dynamic Range (HDR)
Puwedeng i-play ng ilang iPhone at iPad model ang Netflix sa Dolby Vision o HDR. Para i-check kung supported ng mobile device mo ang HDR, pumunta sa seksyon sa ibaba.

Tandaan:Baka hindi laging mag-stream sa HDR ang ilang mobile device kahit may makikitang HDR label, halimbawa, kung nasa low power mode ang device o kung gumagamit ito ng cellular connection.

Mga compatible na model at resolution

Dapat na gumagamit ng pinakabagong version ng iOS ang mga iPhone na may support sa HDR para makapanood ng Netflix sa HDR.

Model

Resolution

  • iPhone 5, iPhone 5C, at iPhone 5S

  • iPhone 6, iPhone 6S

  • iPhone 7

  • iPhone SE (1st generation)

480p (iOS 5 at iOS 6)

720p (iOS 7 at mas bago)

  • iPhone 6 Plus, iPhone 6S Plus

  • iPhone 7 Plus

1080p

  • iPhone 8

  • iPhone SE (2nd generation)

  • iPhone XR

  • iPhone 11

720p

High Dynamic Range

  • iPhone 8 Plus

  • iPhone X, iPhone XS, iPhone XS Max

  • iPhone 11 Pro, iPhone 11 Pro Max

  • iPhone 12, iPhone 12 mini, iPhone 12 Pro, iPhone 12 Pro Max

  • iPhone 13, iPhone 13 mini, iPhone 13 Pro, iPhone 13 Pro Max

  • iPhone SE (3rd generation)

  • iPhone 14, iPhone 14 Plus, iPhone 14 Pro, iPhone 14 Pro Max

  • iPhone 15, iPhone 15 Plus, iPhone 15 Pro, iPhone 15 Pro Max

  • iPhone 16, iPhone 16 Plus, iPhone 16 Pro, iPhone 16 Pro Max

1080p

High Dynamic Range

Dapat na gumagamit ng pinakabagong version ng iPadOS ang mga iPad na may support sa HDR para makapanood ng Netflix sa HDR.

Model

Resolution

iPad (4th generation)

480p (iOS 5 at iOS 6)

1080p (iOS 7 at mas bago)

  • iPad (5th, 6th, 7th, 8th, 9th, at 10th generation)

  • iPad Air (1st, 3rd, at 4th generation)

  • iPad Air 2, iPad mini 2

  • iPad mini 3

  • iPad mini 4

  • iPad mini (5th at 6th generation)

  • iPad Pro 9.7"

  • iPad Pro 12.9" (1st generation)

1080p

  • iPad Pro 10.5"

  • iPad Pro 11" (1st, 2nd, at 3rd generation)

  • iPad Pro 12.9" (2nd, 3rd, 4th, 5th at 6th generation)

1080p

High Dynamic Range

Paalala:Puwede ring mapanood ang Netflix gamit ang Safari browser sa mga iPad na gumagamit ng iPadOS 13 o mas bago.

Model

Resolution

  • iPod touch 6th generation

  • iPod touch 7th generation

480p (iOS 6)

720p (iOS 7 at mas bago)

May 2 paraan para mag-sign out sa Netflix sa iPhone, iPad, o iPod touch mo:

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang Mag-sign Out, pagkatapos ay i-tap ang Mag-sign Out para i-confirm.

  1. Mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen at mag-pause para ipakita ang mga kasalukuyang bukas na app.

    • Para sa mga device na may Home button, pindutin ito nang dalawang beses nang mabilis.

  2. Mag-swipe pakaliwa o pakanan hanggang sa makita mo ang Netflix app.

  3. Mag-swipe pataas sa preview ng Netflix app para isara ito.

    • Sa iOS 6, pindutin nang matagal ang app hanggang sa may lumabas na pulang badge na may linya sa gitna, pagkatapos ay i-tap ang badge para isara ang app.

  4. Pindutin ang Home button para bumalik sa Home screen.

  5. Pindutin ang Settings.

  6. Mag-swipe pababa hanggang sa makita mo ang Netflix app.

  7. Pindutin ang Netflix.

  8. I-slide ang Reset switch sa On position.

    Tandaan:Kapag na-reset ang Netflix app, maaalis ang lahat ng title na na-download mo gamit ang app.

  9. Pindutin ang Home button para bumalik sa Home screen.

  10. Pindutin ang Netflix.

  11. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix.

Mga Kaugnay na Article