Paano gumamit ng Netflix sa Windows computer o tablet mo

Alamin ang mga feature ng Netflix sa Windows computer o tablet mo, at kung paano mag-set up at mag-sign out sa account mo.

Hindi alam kung gumagana ang Netflix sa device mo? Sundin ang steps sa seksyon na “I-set Up ang Netflix” sa ibaba. Puwede kang manood ng Netflix sa Windows computer o tablet mula sa web browser o sa Netflix app para sa Windows 10 at mas bago.

Puwede kang manood sa Netflix sa karamihan ng mga modern na web browser.

Para magsimula:

  1. Pumunta sa netflix.com.

  2. I-click ang Mag-sign In. Kung hindi ka member ng Netflix, alamin kung paano mag-sign up.

  3. Ilagay ang email o phone number at password mo sa Netflix.

  4. I-click ang Mag-sign In.

Kailangang naka-install ang Microsoft Edge browser para gumana ang Netflix app para sa Windows. Pumunta sa Microsoft Store para ma-install ang Edge.

  1. Sa Start menu, piliin ang Store.

  2. Piliin ang Search.

  3. I-type ang Netflix sa search box at pindutin ang Enter.

  4. Piliin ang Netflix mula sa resulta ng search.

  5. Piliin ang Install.

    • Kung hilingin na mag-sign in ka, mag-sign in gamit ang Microsoft information mo.

  6. Bumalik sa Start menu.

  7. Piliin ang Netflix app.

  8. Piliin ang Mag-sign In.

  9. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix.

  10. Piliin ang Mag-sign In.

Available ang Netflix sa mga computer at tablet na may naka-install na Windows 10 o mas bago. Piliin ang icon na supported na web browser, o kunin ang Netflix app para sa Windows. Kasama sa mga feature ng streaming sa Netflix sa mga Windows computer at tablet ang:

Navigation

  • Mag-browse ng iba't ibang movie poster: Nagpapakita ang main page ng iba't ibang TV show at pelikula para makapag-browse ka.

  • Mag-search: Mag-search ng mga partikular na title ng TV show o pelikula, aktor, direktor, o genre gamit ang search box sa kanang sulok sa itaas.

  • Mga Page ng TV Show o Pelikula: Mag-hover sa isang partikular na poster ng TV show o pelikula para makakita ng karagdagang impormasyon, tulad ng maikling synopsis, (mga) taon kung kailan na-produce, o maturity rating. Para sa kumpletong impormasyon, i-click o i-tap ang title sa window.

  • Playback: Para mag-play ng TV show o pelikula, mag-click ng poster. Habang nagpe-play ang title mo, gamitin ang scroll bar sa ibaba ng player screen para mag-fast forward, mag-rewind, o tumingin ng higit pang option. Para lumabas sa video playback, piliin ang back button sa kaliwang sulok sa itaas ng screen mo. Kung hindi nakikita sa screen mo ang scroll bar o back button, igalaw ang cursor mo hanggang sa lumabas ang mga ito.

Mga subtitle at alternate audio

Piliin ang icon na Audio at Mga Subtitle para pumili ng alternate language track o para i-on ang mga available na subtitle.

Para sa mga Windows computer kung saan capable ang Dolby Atmos, available ang mga piling TV show at pelikula sa Dolby Atmos gamit ang Edge browser o Netflix app para sa Windows.

Video Resolution

Supported ng mga Windows computer at tablet ang pag-play sa Netflix sa mga video quality na ito:

Sa mga computer na may naka-install na Windows 7, 8, o 8.1, magpe-play lang ang Netflix sa video quality na Standard Definition (SD).

Browser o Netflix app

Maximum resolution

Google Chrome

Hanggang Full HD (1080p)

Microsoft Edge

Hanggang Ultra HD (4K o 2160p) na may HDR*

Mozilla Firefox

Hanggang Full HD (1080p)

Opera

Hanggang Full HD (1080p)

Netflix app para sa Windows

Hanggang Ultra HD (4K o 2160p) na may HDR*

*Sa mga device na nakakatugon sa mga kinakailangan sa system ng Ultra HD (4K) o High Dynamic Range (HDR) na nakalista sa mga section sa ibaba.

Maaaring gumana pa rin ang Netflix sa ilang hindi supported na browser na hindi nakalista sa ibaba, pero posibleng hindi magbigay ang mga ito ng pinakamagandang experience at magdulot ng mga problema o error.

Para manood ng Netflix sa Ultra HD (4K) sa Windows computer o tablet mo, kakailanganin mo ng:

  • Isang Netflix plan na sumu- support sa panonood sa Ultra HD (4K) nang may video playback quality na naka-set sa Auto o High.

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis.

  • Windows 10 o Windows 11 operating system na may mga pinakabagong update.

  • Browser na supported ng Netflix o naka-install na Netflix app para sa Windows

  • Kailangang naka-install ang pinakabagong HEVC video extension.

    Tandaan:Mayroon nang naka-preinstall na HEVC video extension sa maraming Windows 10 at Windows 11 device. Kailangan sa ilang computer ang hiwalay na pagbili sa Microsoft bago ito ma-install. Kung hindi ka sigurado o kailangan mo ng tulong sa pag-install ng mga video extension o update, sundin ang steps na ito o makipag-ugnayan sa manufacturer ng device.

  • Isa o higit pa sa mga graphics processing unit (GPU) na ito na sumu-support sa panonood sa Ultra HD:(4K):

    • Nvidia GeForce GPU 1050 o mas bago (tingnan ang ibang kinakailangan ng Nvidia)

    • AMD Radeon RX 400 series o mas bagong GPU.

    • Intel 7th generation Core CPU o mas bago, o AMD Ryzen CPU.

      Note:Posibleng kailangan mong i-install ang mga pinakabagong graphics driver para manood sa Ultra HD (4K).

  • 4K 60Hz built-in screen, o 4K 60Hz TV o external display na may HDCP 2.2 compatible connection.

    Para sa maraming connected display, kailangang matugunan din ng bawat aktibong display ang mga kinakailangang ito.

Para sa tulong sa pagtingin kung natutugunan ang mga kinakailangang ito, makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng computer o display mo.

Para manood ng Netflix sa HDR sa Windows computer mo, kakailanganin mo ng:

  • Netflix plan na supported ang panonood sa HDR nang may video playback quality na naka-set sa Auto o High.

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis..

  • Windows 10 o Windows 11 operating system na may mga pinakabagong update.

  • Browser na supported ng Netflix o naka-install na Netflix app para sa Windows.

  • Kailangang naka-install ang pinakabagong HEVC video extension.

    Tandaan:Mayroon nang naka-preinstall na HEVC video extension sa maraming Windows 10 at Windows 11 device. Kailangan sa ilang computer ang hiwalay na pagbili sa Microsoft bago ito ma-install. Kung hindi ka sigurado o kailangan mo ng tulong sa pag-install ng mga video extension o update, sundin ang steps na ito o makipag-ugnayan sa manufacturer ng device.

  • Isa o higit pa sa mga graphics processing unit (GPU) na ito na sumu-support sa panonood sa HDR:

    • NVIDIA GeForce GPU na natutugunan ang mga kinakailangang ito.

    • AMD Radeon RX 400 series o mas bagong GPU.

    • Intel 7th generation Core CPU o mas bago, o AMD Ryzen CPU.

      Tandaan:Posibleng kailangan mong i-install ang mga pinakabagong graphics driver para manood sa HDR.

  • Screen o external display na may naka-enable na HDR mode na nakakatugon sa mga kinakailangan ng Windows HDR na ito.

    Para sa maraming connected display, kailangang matugunan din ng bawat aktibong display ang mga kinakailangang ito.

Para sa tulong sa pagtingin kung natutugunan ang mga kinakailangang ito, makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng computer o display mo.

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

  1. Sa browser na ginagamit mo para manood ng Netflix, pumunta sa netflix.com.

  2. Sa home screen ng Netflix, mag-hover sa profile icon mo sa kanang sulok sa itaas ng page.

  3. Piliin ang Mag-sign out sa Netflix.

  4. Naka-sign out ka na ngayon sa Netflix account mo.

Note:Sa kasalukuyan mong browser ka lang masa-sign out ng steps na ito. Kung hindi lang sa isang browser ka naka-sign in sa Netflix account mo, kakailanganin mong ulitin ang steps na ito sa lahat ng browser na ginagamit mo para ma-access ang Netflix.

  1. Sa Netflix app, mag-hover sa profile icon mo sa kanang sulok sa itaas.

  2. Piliin ang Mag-sign out sa Netflix.

  3. Naka-sign out ka na ngayon sa Netflix account mo.

Mga Kaugnay na Article