Netflix Error NW-2-5

Posibleng makita mo ang mensaheng ito sa TV o TV streaming device mo kapag sinubukan mong buksan ang Netflix:

Nagka-error ang Netflix. Susubukan ulit sa loob ng [X] segundo.
Code: NW-2-5

Ibig sabihin ng error code NW-2-5 na masyadong natagalan ang device mo sa pag-connect sa Netflix. Karaniwang tinutukoy nito ang problema sa connection sa internet sa device mo o home network.

Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema. Kung hindi ito naayos pagkatapos gawin ang steps na ito, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo.

Subukan ang mga opsyong ito para i-test ang connection ng device mo:

  • Sa error screen, piliin ang Higit Pang Detalye > Tingnan ang network mo. Kung may lalabas na pulang X kahit saan sa screen, malamang na hindi naka-connect ang device mo.

  • Sumubok ng ibang app na nangangailangan ng internet, o magsagawa ng network test sa menu ng settings kung mayroon man nito. Kung hindi gumagana ang ibang app o kung hindi nagawa ang network test, malamang na hindi naka-connect ang device mo.

Tandaan: Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa pag-connect ng device sa internet dahil madalas na natatangi ang steps para sa bawat device at home network. Para sa tulong sa pag-connect ng device mo, tingnan ang instruction manual ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa nito.

Kung naka-connect ang device mo at nagkaka-error ka pa rin, basahin sa ibaba ang tungkol sa kung paano tingnan kung ang uri ng network mo ang posibleng dahilan.

  • Posibleng napakaraming tao ang gumagamit sa mga pampubliko o naka-share na Wi-Fi network gaya ng sa mga hotel o apartment complex, o posibleng naka-block ang mga video streaming service na gaya ng Netflix. Subukang makipag-ugnayan sa may-ari o administrator ng network para sa tulong.

  • Posibleng masyadong mabagal ang ilang cellular, satellite, o mobile hotspot connection para sa stable na pag-stream. Makipag-ugnayan sa ISP mo at tanungin kung sinusuportahan ng network mo ang pag-stream ng video.

Kapag ni-restart mo ang device mo, makakapag-simula ulit ang Netflix at maaayos nito ang mga karaniwang error at isyu.

  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Maghintay nang kahit 15 segundo. Kung cable box ang gamit mo, maghintay nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo, at pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kapag ni-restart ang mga network box mo, hihingi ang device mo ng panibagong connection, iki-clear nito ang dating data, at maaayos nito ang mga karaniwang isyu sa connectivity.

Resetting modem and device, 30-sec timer, cable unplugged.

  1. I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.

  2. Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.

  3. Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan:Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.

Puwede mong laktawan ang step na ito kung masyadong mahirap o imposibleng ilipat ang router mo, o kung gumagamit ang device mo ng ethernet cable.

Kung hindi malakas ang Wi-Fi signal ng device mo mula sa router mo, mas hindi stable ang connection at posible itong magdulot ng mga isyu.

Narito ang ilang paraan para palakasin ang Wi-Fi mo:

  • Ilipat ang router mo nang mas malapit sa device mo o sa magandang lokasyon sa tirahan mo.

  • Ilipat ang router mo mula sa sahig at ilagay sa mas mataas na lugar na gaya ng mesa o bookshelf.

  • Ilayo ang router mo sa ibang wireless device at bakal na appliance gaya ng fridge o microwave.

  • Maglagay ng wireless repeater sa kuwarto kung nasaan ang device mo.

  • Itanong sa ISP mo kung puwede nilang i-update ang firmware ng router mo, o i-upgrade ang router mo sa mas bagong modelo.

Ang steps na ito ay para sa mga PlayStation at Xbox game console. Kung ibang device ang ginagamit mo, laktawan ang steps na ito.

Kung mali ang settings ng DNS mo, posibleng hindi mahanap ng device mo ang mga server ng Netflix, na posibleng magdulot ng mga error sa network timeout.

Para baguhin ang settings mo sa DNS, sundin ang steps para sa console mo:

  1. Pumunta sa main menu, at piliin ang Settings.

  2. Piliin ang Network > Set Up Internet Connection.

  3. Piliin ang uri ng connection na ginagamit mo:

    • Para sa Use Wi-Fi, piliin ang Custom, pagkatapos ay piliin ang Wi-Fi network mo.

    • Para sa Use a LAN Cable, piliin ang Custom > Operation mode.

  4. Sa pagpunta mo sa susunod na settings, piliin ang mga option na ito:

    • IP Address Settings > Automatic

    • DHCP Host > Don't Specify

    • DNS Settings > Automatic

    • Proxy Server > Don't Use

    • MTU Settings > Automatic

  5. Piliin ang Test Connection.

  6. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Sa home screen, piliin ang Settings.

  2. Piliin ang Network Settings > Internet Connection Settings > OK.

  3. Piliin ang Custom.

  4. Piliin ang uri ng connection na ginagamit mo:

    • Para sa Wireless, piliin ang mga option na ito:

      • Sa seksyong WLAN, piliin ang Enter Manually.

      • Piliin ang IP Address Setting.

    • Para sa Wired Connection, piliin ang Auto-Detect para sa Operation mode.

  5. Sa pagpunta mo sa susunod na settings, piliin ang mga option na ito:

    • IP Address Setting > Automatic

    • DHCP Host > Do Not Set

    • DNS Setting > Automatic

    • Proxy Server > Do Not Use

    • MTU > Automatic

    • UPnP > Enable

  6. Para i-save ang mga setting mo, pindutin ang X button.

  7. Piliin ang Test Connection.

  8. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Pindutin ang Xbox button para buksan ang Guide.

  2. Sa Profile & system menu, piliin ang Settings.

  3. Piliin ang General > Network Settings > Advanced Settings > DNS Settings.

  4. Piliin ang Automatic.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Pindutin ang Guide button sa controller mo.

  2. Pumunta sa Settings at piliin ang System Settings.

  3. Piliin ang Network Settings.

  4. Piliin ang network mo, pagkatapos ay piliin ang Configure Network.

  5. Piliin ang DNS Settings at piliin ang Automatic.

  6. I-off ang Xbox mo at i-on ulit ito.

  7. Subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi gumana ang steps, makipag-ugnayan sa ISP mo para sa tulong sa isyu sa DNS.

Puwede itong mangyari kung may problema sa domain name system (DNS) server kung saan nakakonekta ang device mo. Para sa tulong sa pag-aayos ng problema sa DNS, kailangan mong makipag-ugnayan sa iyong Internet service provider (ISP).

Habang nakikipag-usap sa ISP mo, hilingin sa kanilang:

  • Tiyaking kaya kumonnect ng iyong device sa mga Netflix address na ito:

    • secure.netflix.com

    • appboot.netflix.com

    • uiboot.netflix.com

    • fast.com

  • Tingnan kung may ma problema sa DNS sa modem o router mo, sa device mo, o sa mga DNS server nila.

  • Subukan ang ibang DNS server para malaman kung maaayos nito ang problema.

Pagkatapos mong kausapin ang ISP mo, inirerekomenda naming subukan ulit ag Netflix para siguraduhing naayos na ang problema.

Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.

Magagawa ng ISP mo na:

  • Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.

  • Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.

  • I-restart o i-reset ang connection ng network mo.

Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:

  • Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.

  • Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.

Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:

  • Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.

  • Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.

Mga Kaugnay na Article