Netflix Error ui-113

Posibleng makuha mo ang error code na ui-113 kasama ng message na ito:

Hindi maka-connect sa Netflix. Pakisubukan ulit o i-restart ang home network at streaming device mo.

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data sa device mo o pinipigilan ng network connection mo ang paggana ng Netflix, o kung hindi na sinu-support ang device mo.

Para ayusin ang problema:

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Posibleng hindi na available ang Netflix sa ilang mas lumang TV, cable box, at streaming device dahil hindi ma-update sa sinu-support na version ang Netflix app o software sa device.

Para malaman kung hindi na sinu-support ang Netflix version sa device mo:

  1. Sa error screen, piliin ang Higit Pang Detalye.

  2. Piliin ang Device.

  3. Sa SDK version o Platform version, tingnan ang version number:

    • Kung 4.1.3 o mas bago ang version ng device mo:

      • Mag-check ng firmware update para sa device mo Posibleng may available na update ang device mo sa mas bagong version ng app o software sa device mo. Para sa tulong sa pag-check para sa update sa firmware, tingnan ang manual na kasama ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa nito.

      • Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device. Tiyakin sa kumpanyang gumawa ng device mo para malaman kung naka-schedule ito para makakuha ng update sa Netflix app. Baka kailanganin mong gamitin ang Netflix sa ibang device hanggang sa panahong iyon.

    • Kung 4.1.2 o mas luma ang version ng device mo, hindi na sinu-support ang Netflix app o software sa device mo. Para patuloy na manood, kakailanganin mong gumamit ng ibang device na supported ng Netflix.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung nasa error screen ang device mo:

  1. Pindutin ang More Details.

  2. Pindutin ang Sign out o Reset.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, I-reset, o I-deactivate.

Resetting modem and device, 30-sec timer, cable unplugged.

  1. I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.

  2. Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.

  3. Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan:Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.

  1. Gamit ang computer, phone, o tablet, kumonnect sa network o Wi-Fi kung saan naka-connect ang device na may problema.

  2. Magbukas ng web browser at pumunta sa netflix.com/clearcookies.

  3. Mula sa kanang sulok sa itaas, i-click ang Sign In.

  4. Mag-sign in sa Netflix account mo.

    • Kung makakakuha ka ng error na NSEZ-403, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa Netflix sa ngayon. Subukan ulit mamaya.

    • Kung hindi ka makakakuha ng error, magpatuloy sa susunod na step.

Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.

Magagawa ng ISP mo na:

  • Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.

  • Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.

  • I-restart o i-reset ang connection ng network mo.

Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:

  • Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.

  • Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.

Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:

  • Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.

  • Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.

Mga Kaugnay na Article