Paano gamitin ang Netflix sa Apple TV mo

Alamin ang mga feature ng Netflix sa Apple TV mo, pati na kung paano mag-set up at mag-sign out sa account mo. Kung hindi mo alam kung gumagana ang Netflix sa device mo, sundin ang steps sa seksyong “I-set Up ang Netflix.”

Para i-connect ang Apple TV mo sa Netflix account mo, siguraduhing nasa home screen ka at sundin ang steps sa ibaba.

I-install ang Netflix app

  1. Mula sa home screen, pindutin ang App Store.

  2. Sa App Store, i-search ang Netflix para makita ang app, at pagkatapos ay pindutin ang Get para simulan ang pag-install.

    Note:Available ang Netflix sa Apple TV HD (4th generation) at mas bago.

  3. Pagkatapos mag-install, lilitaw ang Netflix app sa home screen.

Mag-sign in sa Netflix

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Pindutin ang Mag-sign In para magamit ang existing Netflix account.

    Tandaan:Kung hindi ka pa member, i-set up ang membership mo sa Netflix.com sa web or mobile browser.

  3. Pagkatapos pindutin ang Mag-sign In, ilagay ang email at password mo sa Netflix.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.

Resolution
Karamihan ng mga device ay makakapag-stream ng Netflix sa high definition sa may mabibilis na internet connection at magpe-play ng Netflix sa maximum supported resolution nito.

Mga kontrol ng magulang
Pinapayagan ka ng Netflix na mag-set ng mga kontrol ng magulang sa bawat profile.

Mga subtitle at alternate audio
Alamin kung paano gamitin ang mga subtitle, closed caption, at alternate audio (kabilang ang 5.1 surround sound), na available sa maraming TV show at pelikula. Para tingnan kung supported ng device mo ang 5.1 audio, pumunta sa kahit anong Netflix Original para makita kung may 5.1 audio option. Kung wala, hindi supported ng device mo ang feature na ito. Puwede mong i-customize ang hitsura ng mga subtitle at caption sa maraming device. Sa ilang device, lalabas ang mga subtitle at caption sa default na hitsura ng mga ito o baka hindi naka-configure ang mga ito na magpakita ng mga subtitle.

Sa ilang device, puwede ka ring mag-stream ng mga piling title gamit ang Dolby Atmos audio, kabilang na ang mga model sa ibaba. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Dolby Atmos, pumunta sa article namin tungkol sa paggamit ng Dolby Atmos sa Netflix.

Device Series

Resolution

Mga Subtitle at Audio

Apple TV HD (4th generation)

1080p HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Apple TV 4K (1st generation)

4K (Ultra HD)

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound, Dolby Atmos

Tandaan:Kailangan ng Dolby Atmos ang tvOS version 12 o mas bago

Apple TV 4K (2nd generation)

4K (Ultra HD)

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound, Dolby Atmos

Apple TV 4K (3rd generation)

4K (Ultra HD)

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound, Dolby Atmos

Available ang Netflix sa 4K (Ultra HD) sa mga piling Apple TV streaming media player. Para makapag-stream sa 4K (Ultra HD), kakailanganin mo ng:

  • TV na compatible sa 4K (Ultra HD) streaming mula sa Netflix, na naka-connect sa Apple TV mo gamit ang HDMI port na may support para sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang HDMI 1 port).

  • Netflix plan na may support para sa pag-stream sa 4K (Ultra HD).

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis pa.

  • Streaming quality na naka-set sa High.

Kasalukuyang supported ng mga sumusunod na Apple TV model ang Netflix in 4K (Ultra HD):

  • Apple TV 4K (1st generation)

  • Apple TV 4K (2nd generation)

  • Apple TV 4K (3rd generation)

Available ang Netflix sa Dolby Vision at HDR sa mga piling Apple TV model. Para makapag-stream sa Dolby Vision o HDR, kailangan mo ng:

  • Netflix plan na may support sa pag-stream sa Ultra HD.

  • Streaming device na may support para sa Dolby Vision o HDR at Netflix.

  • Smart TV na may support para sa Dolby Vision o HDR10 na naka-connect sa device mo sa pamamagitan ng HDMI port na may support para sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang HDMI 1 port).

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis pa.

  • Streaming quality na naka-set sa High.

Kasalukuyang supported ng mga sumusunod na Apple TV model ang Netflix sa Dolby Vision at HDR10 format:

  • Apple TV 4K (1st generation)

  • Apple TV 4K (2nd generation)

  • Apple TV 4K (3rd generation)

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

  1. Sa loob ng Netflix app, pindutin ang Menu button sa remote.

  2. Pindutin ang Settings.

  3. Pindutin ang Mag-sign Out.

Kapag nag-sign out ka na, puwede kang mag-sign in sa ibang Netflix account.

Mga Kaugnay na Article