Paano gamitin ang Netflix sa Toshiba TV o Blu-ray player mo

Gamitin ang article na ito para alamin pa ang tungkol sa mga feature ng Netflix sa Toshiba TV, Blu-ray player, o home theater system mo, pati na kung paano mag-set up at mag-sign out sa account mo.

Para i-connect ang Toshiba TV, Blu-ray player, o home theater system mo sa Netflix account mo, siguraduhing nasa Home screen ka at piliin ang option sa ibaba na pinakamahusay na naglalarawan sa device mo.

  1. Pindutin ang Net TV button sa remote mo.

  2. Piliin ang Netflix icon at pindutin ang OK.

  3. Piliin ang Mag-sign In.

    • Kung hindi mo nakikikita ang Mag-sign in, piliin ang Oo sa screen na Member ka ba ng Netflix? .

    • Kung hindi ka member, i-set up ang membership mo.

  4. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix at piliin ang Mag-sign In.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.

Para magsimula ulit o mag-sign in gamit ang ibang email address kahit kailan sa prosesong ito, gamitin ang arrow keys sa controller mo para i-enter ang sumusunod na sequence:

  • Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up

  • Piliin ang Sign Out, Start Over, o Deactivate.

  1. Mag-navigate sa option na Connected sa main menu.

Paalala:Hindi available ang Netflix sa mga Android TV model na Toshiba Z670K at X8900 series.

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

    Paalala:Kung hindi mo nakikita ang Humingi ng Tulong, pumunta sa itaas at pilin ang Settings.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong, Mga Setting, o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, Magsimula Ulit, I-reset, o I-deactivate.

Available ang Netflix sa Ultra HD sa karamihan ng mga Toshiba Ultra HD TV. Para makapag-stream sa Ultra HD, kakailanganin mo ng:

Available ang Netflix sa Dolby Vision at HDR sa mga piling Toshiba TV. Para makapag-stream sa Dolby Vision o HDR, kakailanganin mo ng:

  • Smart TV na may support para sa Dolby Vision o HDR10 at Netflix.

    • Kung gumagamit ka ng HDR-capable na Blu-ray player, kailangan mo itong i-connect sa HDR-capable na smart TV gamit ang HDMI port na may support para sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang ang HDMI 1 port).

  • Netflix plan na may support sa pag-stream sa Ultra HD.

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis pa.

  • Streaming quality na naka-set sa Auto o High.

Mga Kaugnay na Article