Paano gamitin ang Netflix sa Panasonic TV o Blu-ray player mo

Gamitin ang article na ito para alamin kung paano gamitin ang Netflix sa Panasonic TV, Blu-ray player, o home theater system mo.

Available ang Netflix sa maraming Panasonic device.

Mga TV (2019 o mas bago)

  • Ang ilang 2019 at 2020 Panasonic TV model ay may Netflix Calibrated Mode kaya mapapanood mo ang Netflix sa original na picture quality.

  • Ang ilang 2020 Panasonic TV model ay may Filmmaker Mode na nag-a-adjust ng settings ng picture quality sa preset na mga value.

Para i-on ang Netflix Calibrated Mode o Filmmaker Mode, piliin ang Menu button sa remote, piliin ang Picture, at i-on ang setting.

Paalala:Hindi puwedeng i-on ang Filmmaker Mode kapag naka-on ang Netflix Calibrated Mode.

Para i-connect ang Panasonic Blu-ray player, Smart TV, o home theater system mo sa Netflix account mo, siguraduhing nasa Home screen ka at piliin ang option na pinakamalapit sa device mo.

  1. Pindutin ang Viera Cast button sa remote.

  2. Piliin ang Netflix.

  3. Piliin ang Mag-sign In.

    • Kung hindi mo nakikita ang Mag-sign In, piliin ang Oo sa Member ka ba ng Netflix? na screen.

    • Kung hindi ka pa member, i-set up ang membership mo.

  4. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix.

  5. Piliin ang Mag-sign In.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo. Enjoy!

Para magsimula ulit o mag-sign in gamit ang ibang email address kahit kailan sa prosesong ito, gamitin ang arrow keys sa controller mo para i-enter ang sumusunod na sequence:

  • Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up

  • Piliin ang Sign Out, Start Over, o Deactivate.

  1. Sa home screen ng TV, piliin ang Network.

  2. Piliin ang Internet Content.

  3. Piliin ang Netflix.

  4. Piliin ang Mag-sign In at sundin ang directions sa screen.

Para magsimula ulit o mag-sign in gamit ang ibang email address kahit kailan sa prosesong ito, gamitin ang arrow keys sa controller mo para i-enter ang sumusunod na sequence:

  • Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up

  • Piliin ang Sign Out, Start Over, o Deactivate.

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

    Paalala:Kung hindi mo nakikita ang Humingi ng Tulong, pumunta sa itaas at pilin ang Settings.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong, Mga Setting, o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, Magsimula Ulit, I-reset, o I-deactivate.

Available ang Netflix sa Ultra HD sa karamihan ng mga Panasonic Ultra HD TV at piling Blu-ray player. Para makapag-stream sa Ultra HD, kakailanganin mo ng:

Available ang Netflix sa Dolby Vision at sa HDR sa mga piling Panasonic TV at Blu-ray player. Para makapag-stream sa Dolby Vision o HDR, kakailanganin mo ng:

  • Smart TV na may support para sa Dolby Vision o HDR10 at Netflix.

    • Kung gumagamit ka ng HDR-capable na Blu-ray player, kailangan mo itong i-connect sa HDR-capable na smart TV gamit ang HDMI port na may support para sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang ang HDMI 1 port).

  • Netflix plan na may support sa pag-stream sa Ultra HD.

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis pa.

  • Streaming quality na naka-set sa Auto o High.

Mga Kaugnay na Article