Mga supported na rehiyon
Available ang Netflix sa buong mundo. Gagana ang karamihan sa mga device kahit saang lugar na available ang Netflix, pero gagana lang ang ilang lumang device sa bansa kung saan binili ang mga ito. Kung pinag-iisipan mong bumili ng bagong device, alamin sa manufacturer kung may support ito sa Netflix sa rehiyon mo.
Navigation
Sa karamihan ng mga device, makakapag-browse ka sa mga row ng mga TV show at pelikula, kasama ang isang row na para lang sa mga napili mo sa List Ko. Kumakatawan ang bawat row sa isang category (halimbawa, mga comedy o drama) na ipapakita namin sa iyo batay sa mga pinanood mo.
Baka walang row ng mga kategorya sa mga mas lumang device, pero puwede ka ritong mag-scroll sa List Ko, na magagawa mo gamit ang website ng Netflix.
Resolution
Karamihan ng mga device ay makakapag-stream ng Netflix sa high definition sa may mabibilis na internet connection at magpe-play ng Netflix sa maximum supported resolution ng mga ito.
Mga kontrol ng magulang
Puwede kang mag-set ng mga kontrol ng magulang sa mga indibidwal na Netflix profile.
Mga subtitle at alternate audio
Alamin kung paano i-on ang mga subtitle, closed caption, at alternate audio (kabilang ang 5.1 surround sound), na available sa maraming TV show at pelikula. Para tingnan kung gumagana ang 5.1 audio sa device mo, pumunta sa kahit anong Netflix original para makita kung may 5.1 audio option. Kung wala, hindi gumagana ang feature na ito sa device mo. Puwede mong baguhin ang hitsura ng mga subtitle at caption sa maraming device. Ipapakita ng mga device na walang support sa pag-customize ang subtitle at caption sa default na hitsura ng mga ito.
Sa ilang device, puwede ka ring mag-stream ng mga piling title gamit ang Dolby Atmos audio, kasama na ang mga model sa ibaba.