Paano gamitin ang Netflix sa Vestel TV mo

Gamitin ang article na ito para alamin ang mga feature ng Netflix sa Vestel TV mo, at kung paano mag-set up at mag-sign out sa account mo. Sa ilang bansa, baka lumabas sa mga brand name na Finlux, JVC, Polaroid, o RCA ang mga Vestel TV.

Para i-connect ang Vestel TV mo sa Netflix account mo, magsimula sa Home screen.

  1. Piliin ang Netflix.

  2. Piliin ang Mag-sign In.

    • Kung hindi mo makita ang Mag-sign in, piliin ang Oo sa screen na Member ka ba ng Netflix? .

  3. Ilagay ang email at password mo sa Netflix.

  4. Piliin ang Mag-sign In.

Para mag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito:

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix at pindutin ang back button sa remote mo para pumunta sa menu.

  2. Kung nasa taas ang menu: Pumunta sa kaliwa sa profile icon mo, piliin ang Humingi ng Tulong, pagkatapos ay ang Mag-sign out, at pagkatapos ay piliin ang Oo.

    Kung nasa kaliwa ang menu: Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulng, pagkatapos ay ang Mag-sign out, at pagkatapos ay piliin ang Oo.

    Tandaan:Kung hindi mo nakikita ang Humingi ng Tulong, pumunta sa itaas at piliin ang Settings.

Kung hindi mo makita ang Humingi ng Tulong, Settings, o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, piliin ang Mag-sign out, Magsimula Ulit, I-reset, o I-deactivate.

Available ang Netflix sa Ultra HD sa karamihan ng mga Vestel Ultra HD TV. Para makapag-stream sa Ultra HD, kakailanganin mo ng:

Available ang Netflix sa HDR sa mga piling Vestel TV. Para mag-stream sa HDR, kailangan mo ng:

Mga Kaugnay na Article