Paano gamitin ang Netflix sa Sony TV o Blu-ray player mo

Alamin ang mga feature ng Netflix sa Sony TV o Blu-ray player mo, at kung paano mag-set up at mag-sign out sa account mo. Kung hindi mo alam kung gumagana ang Netflix sa device mo, sundin ang steps sa section na “I-set Up ang Netflix.”

Available ang Netflix sa maraming Sony device, kasama na rito ang mga Sony Android TV at Sony Google TV.

  • Mga Sony BRAVIA Android TV (2018 o mga mas bagong model)

Mga adjustment sa picture
May Netflix Calibrated Mode ng mga piling mas bagong Sony TV model para mapanood mo ang Netflix sa orihinal na picture quality. Puwedeng i-on ang Netflix Calibrated Mode kapag pumunta sa mga setting ng TV mo, pumili ng mga mode, at in-on ang setting. Alamin pa ang tungkol sa Netflix Calibrated Mode.

Para i-connect ang Sony TV, Blu-ray player, o home theater system mo sa Netflix account mo, tiyaking nasa Home screen ka at piliin ang option sa ibaba na pinakaangkop na naglalarawan sa device mo.

  1. Pindutin ang Netflix button sa remote mo.

  2. Pindutin ang Mag-sign In.

  3. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix.

  4. Pindutin ang Mag-sign In o Magpatuloy.

Naka-connect na sa Netflix account mo ang device mo.

  1. Gamit ang mga arrow key sa Sony remote mo, mag-navigate sa kaliwa o kanan para i-highlight ang option na Video o Apps.

  2. Pindutin ang up o down para mag-navigate sa Netflix.

  3. Pindutin ang Netflix.

    • Kapag hiniling na i-register ang device sa Sony, sundin ang instructions sa screen para sa registration nila.

  4. Pindutin ang Mag-sign In.

  5. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix.

  6. Pindutin ang Mag-sign In.

Naka-connect na sa Netflix account mo ang device mo.

  1. Pindutin ang Home button sa wireless na keyboard remote.

  2. Pindutin ang All Apps.

  3. Gamitin ang mga arrow key sa kaliwang bahagi ng Sony Google TV remote mo para mag-navigate sa Netflix app, pagkatapos ay pindutin ang OK.

  4. Pindutin ang Mag-sign In.

  5. Ilagay ang e-mail address at password mo sa Netflix.

  6. Pindutin ang Magpatuloy.

Naka-connect na sa Netflix account mo ang device mo.

Para mag-sign out sa Sony TV, Blu-ray player, o home theater system mo mula sa Netflix account mo, magsimula sa Home screen at piliin ang option sa ibaba na pinakaangkop na naglalarawan sa device mo.

  1. Mag-navigate sa Google TV Home Screen (Kung hindi ka sigurado, pindutin ang Home Key).

  2. Pindutin ang All Apps.

  3. Pindutin ang Settings.

  4. Pindutin ang Applications.

  5. Pindutin ang Manage Applications.

  6. Gamitin ang mga directional arrow para mag-scroll hanggang sa makita mo ang Netflix, pagkatapos ay pindutin ito.

  7. Pindutin ang Clear Data at pindutin ang OK kapag na-prompt.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

    Paalala:Kung hindi mo nakikita ang Humingi ng Tulong, pumunta sa itaas at pilin ang Settings.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong, Mga Setting, o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, Magsimula Ulit, I-reset, o I-deactivate.

Available ang Netflix sa Ultra HD sa karamihan ng mga Sony Ultra HD TV. Para makapag-stream sa Ultra HD, kailangan mo ng:

Available ang Netflix sa Dolby Vision at HDR sa mga piling Sony TV at Blu-ray player. Para makapag-stream sa Dolby Vision o HDR, kailangan mo ng:

  • Smart TV na may support para sa Dolby Vision o HDR10 at Netflix.

    • Kung gumagamit ka ng HDR-capable na Blu-ray player, kailangan mo itong i-connect sa HDR-capable na smart TV gamit ang HDMI port na may support para sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang ang HDMI 1 port).

  • Netflix plan na may support sa pag-stream sa Ultra HD.

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis pa.

  • Streaming quality na naka-set sa Auto o High.

Mga Kaugnay na Article