Paano gamitin ang Netflix sa Sharp TV o Blu-ray player mo

Gamitin ang article na ito para alamin pa ang tungkol sa mga feature ng Netflix sa Sharp TV, Blu-ray player, o home theater system mo, at kung paano mag-set up at mag-sign out sa account mo. Kung hindi mo alam kung gumagana ang Netflix sa device mo, sundin ang steps sa seksyong “I-set Up ang Netflix.”

Para i-connect ang Sharp TV, Blu-ray player, o home theater system mo sa Netflix account mo, siguraduhing nasa Home screen ka at piliin ang option sa ibaba na pinakamahusay na naglalarawan sa device mo.

  1. Sa home screen, piliin ang Netflix.

  2. Piliin ang Pag-sign In ng Member.

  3. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix.

  4. Piliin ang Magpatuloy.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.

Para magsimula ulit o mag-sign in gamit ang ibang email address kahit kailan sa prosesong ito, gamitin ang arrow keys sa controller mo para i-enter ang sumusunod na sequence:

  • Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up

  • Piliin ang Sign Out, Start Over, o Deactivate.

  1. Pindutin ang Dock o Apps button sa Sharp remote mo.

    Paalala:Kung hindi mo nakikita ang Dock o Apps button, pindutin ang SmartCentral button sa remote mo, pagkatapos ay hanapin at piliin ang Apps.

  2. Piliin ang Netflix icon.

  3. Piliin ang Mag-sign In.

  4. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix.

  5. Piliin ang Magpatuloy.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.

Para magsimula ulit o mag-sign in gamit ang ibang email address kahit kailan sa prosesong ito, gamitin ang arrow keys sa controller mo para i-enter ang sumusunod na sequence:

  • Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up

  • Piliin ang Sign Out, Start Over, o Deactivate.

  1. Sa home screen, piliin ang Netflix.

  2. Piliin ang Mag-sign In.

  3. Ilagay ang member email address mo at piliin ang Susunod.

  4. Ilagay ang password mo at piliin ang Mag-sign In.

  5. Piliin ang Simulan.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

    Paalala:Kung hindi mo nakikita ang Humingi ng Tulong, pumunta sa itaas at pilin ang Settings.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong, Mga Setting, o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, Magsimula Ulit, I-reset, o I-deactivate.

  1. Piliin ang Menu button sa remote mo.

  2. Gamit ang mga cursor sa remote, mag-navigate sa Settings.

  3. Piliin ang System.

  4. Piliin ang Netflix Deactivate.

  5. Piliin ang Oo.

  6. Piliin ang Ok.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

    Paalala:Kung hindi mo nakikita ang Humingi ng Tulong, pumunta sa itaas at pilin ang Settings.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong, Mga Setting, o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, Magsimula Ulit, I-reset, o I-deactivate.

Available ang Netflix sa Ultra HD sa karamihan ng mga Sharp Ultra HD TV. Para makapag-stream sa Ultra HD, kakailanganin mo ng:

Available ang Netflix sa Dolby Vision at HDR sa mga piling Sharp TV. Para makapag-stream sa Dolby Vision o HDR, kakailanganin mo ng:

  • Smart TV na may support para sa Dolby Vision o HDR10 at Netflix.

    • Kung gumagamit ka ng HDR-capable na Blu-ray player, kailangan mo itong i-connect sa HDR-capable na smart TV gamit ang HDMI port na may support para sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang ang HDMI 1 port).

  • Netflix plan na may support sa pag-stream sa Ultra HD.

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis pa.

  • Streaming quality na naka-set sa Auto o High.

Mga Kaugnay na Article