Mga supported na rehiyon
Available ang Netflix sa Xbox One sa lahat ng rehiyon kung saan may serbisyo ng Netflix at Xbox Live.
Navigation
Mag-scroll pataas at pababa para mag-browse ng mga genre na partikular na pinili para sa iyo. Kung may Xbox Kinect ka sa Xbox One mo, sabihin ang "Xbox" para makakita ng listahan ng mga voice command.
Search: Kung pipindutin mo ang Y sa Xbox One controller mo habang nasa Netflix app ka, mapupunta ka sa search page.
Mga Profile, Pambatang Seksyon, Mag-sign Out: Kung pipindutin mo ang B habang nasa Netflix app ka, mapupunta ka sa Netflix Menu, at makakapagpalit ka na ng profile, makakalipat ka sa Pambatang seksyon, o makakarating ka sa page ng mga setting para makapag-sign out ka sa Netflix account mo.
Resolution
Mag-stream ng mga pelikula sa hanggang 1080p HD sa Xbox One. Magsi-stream ang titles na may HD symbol kung kaya ng Internet connection mo ang 5 megabits per second o mas mabilis pa.
Mag-stream ng mga pelikula sa hanggang 4K Ultra HD sa Xbox One S at Xbox One X. Magsi-stream ang titles na may Ultra HD symbol kung kaya ng Internet connection mo ang 15 megabits per second o mas mabilis pa.
Mga subtitle at alternate audio
Umpisahan ang isang pelikula o TV show at piliin ang icon ng Audio at mga subtitle para i-on ang mga subtitle kung available. May mga piling title na magiging available din sa Dolby Digital Plus 5.1 surround sound sa screen na ito kung 5 megabits per second o mas mabilis pa ang bilis ng Internet connection mo.
Sa ilang device, puwede ka ring mag-stream ng mga piling title gamit ang Dolby Atmos audio, kasama na ang mga model sa ibaba. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Dolby Atmos, pumunta sa article namin tungkol sa paggamit ng Dolby Atmos sa Netflix.