Paano gumamit ng 5.1 surround sound sa Netflix

Puwede kang manood ng mga piling TV show at pelikula sa Netflix nang may 5.1 surround sound. Ang mga title na may available na 5.1 surround sound ay may icon ng Dolby Digital Plus o 5.1 icon sa page ng paglalarawan ng pelikula.

Para makapag-stream nang may 5.1 surround sound, kailangan mo ng:

  • 5.1 surround sound-capable audio system.

  • Netflix-capable device na supported ang 5.1 surround sound.

  • Quality ng pag-stream na naka-set sa Medium, High, o Auto.

Kung natutugunan mo ang requirements na ito pero wala kang naririnig na 5.1 surround sound, tingnan ang ilang steps sa pag-troubleshoot.

Mga Kaugnay na Article