Hindi makuha ang 5.1 surround sound

Puwede kang manood ng mga show at pelikula sa Netflix sa 5.1 surround sound kung supported ito ng iyong streaming device, audio equipment, at ng show o pelikula.

Hindi supported ang 5.1 surround sound habang nanonood ng mga na-download na title.

Kung hindi mo nakukuha ang 5.1, sundin ang steps para sa device.

Sundin ang steps na ito para ayusin ang problema sa pagkuha ng 5.1 surround sound.

Sinu-support ng karamihan ng mga TV at TV streaming device ang 5.1 surround sound.

Para i-check ang device mo:

  1. Simulang mag-play ng Netflix original na TV show o pelikula.

  2. Piliin ang menu na Audio at Mga Subtitle.

  3. Kung hindi mo nakikita ang "5.1" sa tabi ng alinman sa mga option, alinman sa hindi naka-on ang surround sound ng device mo, o hindi nito supported ang 5.1.

Para sa tulong sa pagtingin kung sinu-support ng device mo ang 5.1 surround sound o pag-on nito, makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng device mo.

Kung naka-set ang audio output settings ng device mo sa stereo o Linear PCM, kakailanganin mong pumili ng option na compatible sa 5.1.

Para matulungan ka sa pagbabago sa settings na ito, makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng device mo.

Hindi available sa 5.1 surround sound sa bawat wika ang lahat ng TV show at pelikula.

May makikitang icon ng 5.1 o Dolby Digital Plus icon sa page ng paglalarawan ng mga TV show at pelikula na available sa 5.1 surround sound.

Kung sinu-support ng device mo ang 5.1 audio at hindi mo nakikita ang alinman sa mga label na ito, ibig sabihin nitong hindi available sa surround sound ang TV show o pelikula.

Kung nakikita mo ang isa sa mga label na ito, simulang i-play ang TV show o pelikula at siguraduhing pinili ang option na 5.1 sa menu na Audio at Mga Subtitle.

  • Siguraduhing wastong naka-connect ang lahat ng sound equipment at speaker.

  • Siguraduhing wastong naka-connect ang HDMI o optical cable na nagko-connect sa device mo sa sound equipment mo.

    Paalala:Para sa tulong sa steps na ito, posibleng kailangan mong makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng device o sound equipment mo.

Kung wastong naka-connect ang mga device mo, subukang ipagpalit ang mga dulo ng cable o sumubok ng alternatibong cable para maayos ang problema.

Supported lang ang 5.1 surround sound sa Windows 10 o mas bagong computer sa Edge browser o Netflix app.

Sundin ang steps na ito para ayusin ang problema sa pagkuha ng 5.1 surround sound.

Para i-enable ang 5.1 surround sound, sundin ang steps para sa version ng Windows mo.

  1. I-install ang Dolby Access app sa Microsoft Store. Kung naka-install na ito, laktawan ang step na ito.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-right-click ang icon na Speakers sa taskbar.

  3. I-click ang Open Sound settings.

  4. Sa window na magbubukas, i-click ang Device properties.

  5. Sa Spatial sound format, piliin ang option para sa Dolby Atmos for home theater o Dolby Atmos for Headphones.

  6. I-restart ang Edge o ang Netflix app, at subukan ulit ang Netflix.

  1. I-install ang Dolby Access app sa Microsoft Store. Kung naka-install na ito, laktawan ang step na ito.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-right-click ang icon na Speakers sa taskbar.

  3. I-click ang Sound Settings.

  4. Sa Output, i-click ang active audio output device mo (karaniwang ang unang option).

  5. Sa tabi ng Spatial sound, piliin ang option para sa Dolby Atmos for home theater o Dolby Atmos for Headphones.

  6. I-restart ang Edge o ang Netflix app, at subukan ulit ang Netflix.

Hindi available sa 5.1 surround sound sa bawat wika ang lahat ng TV show at pelikula.

May makikitang icon ng 5.1 o Dolby Digital Plus icon sa page ng paglalarawan ng mga TV show at pelikula na available sa 5.1 surround sound.

Kung sinu-support ng device mo ang 5.1 audio at hindi mo nakikita ang alinman sa mga label na ito, ibig sabihin nitong hindi available sa surround sound ang TV show o pelikula.

Kung nakikita mo ang isa sa mga label na ito, simulang i-play ang TV show o pelikula at siguraduhing pinili ang option na 5.1 sa menu na Audio at Mga Subtitle.

  • Siguraduhing wastong naka-connect ang lahat ng sound equipment at speaker.

  • Siguraduhing wastong naka-connect ang HDMI o optical cable na nagko-connect sa device mo sa sound equipment mo.

    Paalala:Para sa tulong sa steps na ito, posibleng kailangan mong makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng device o sound equipment mo.

Kung wastong naka-connect ang mga device mo, subukang ipagpalit ang mga dulo ng cable o sumubok ng alternatibong cable para maayos ang problema.

Mga Kaugnay na Article