Paano pigilan ang isang tao na gamitin ang account mo
Kung may gumagamit ng account mo nang walang pahintulot, gawin ang sumusunod para pigilan ang paggamit:
Palitan ang password mo sa Netflix.
Inirerekomenda naming gumamit ng password na:Sa Netflix lang ginagamit at hindi ginagamit sa iba pang website o app
May kahit man lang 8 characters
Kumbinasyon ng mga titik, numero, at simbolo na gumagamit ng malalaki at maliliit na titik
Hindi madaling hulaan - tulad ng “password,” “12345,” o personal information mo (pangalan, kaarawan, address)
Gamit ang password manager, puwedeng dumali ang pagsubaybay sa mga unique na password.
Mag-sign out sa mga device na hindi mo nakikilala.
Paalala:Kapag nag-sign out ka sa lahat ng device, maaalis ang lahat ng device na naka-connect sa account mo. Kailangan mong mag-sign in ulit gamit ang bago mong password sa kahit anong device na gusto mong gamitin.
Tingnan ang Paano panatilihing secure ang account mo para sa mas marami pang steps na magagawa mo para gawing secure ang account mo.
Kung hindi mo ma-reset ang password mo, o kung nakakakita ka pa rin ng kahina-hinalang activity sa account pagkatapos mong gawin ang steps sa itaas, makipag-ugnayan sa amin.