Kasama sa mga feature sa streaming ng Netflix para sa mga supported device ang:
Navigation
Maghanap ng mga title sa pamamagitan ng pag-tap sa Search button sa kanang sulok sa itaas ng app. Puwede ka ring mag-scroll sa mga row ng mga inirerekomendang genre sa home screen, o mag-browse sa lahat ng genre gamit ang mga menu sa may itaas. Para mag-fast forward o mag-rewind, mag-tap kahit saan sa screen, pagkatapos ay i-slide ang daliri mo nang pa-forward o pa-backward sa bandang progress bar. Pindutin ang back button para tumigil sa panonood.
Mga Subtitles at Alternate Audio
Habang nasa playback, i-tap ang Audio at Mga Subtitle button icon sa itaas ng screen para i-configure ang mga subtitle at audio ng alternatibong wika.
Picture-in-Picture
Pinapayagan ka ng ilang Fire tablet na manood ng Netflix habang ginagamit ang ibang app. Hindi sinu-support ng lahat ng Fire tablet ang feature na ito. Para sa tulong sa Picture-in-Picture, makipag-ugnayan sa Amazon o pumunta sa kanilang support site.
Mga Download
Puwede kang mag-download ng mga TV show at pelikula para panoorin kapag hindi ka online. Pumunta sa aming article para matuto pa tungkol sa mga download.
Paalala:Sinu-support ang pag-download sa mga tablet na may Fire OS version 5 o mas bago.