Paano gumamit ng Netflix sa Roku mo

Gamitin ang article na ito para alamin ang mga feature ng Netflix at kung paano mag-set up at mag-sign out sa account mo. Kung hindi ka sigurado kung supported ng device mo ang Netflix, sundin ang steps sa seksyong “I-set Up ang Netflix” para subukang hanapin ang Netflix app.

Para manood ng mga TV show at pelikula ng Netflix sa Roku mo, gumawa muna ng Roku account. Kapag nagawa na ang account, sundin ang steps para sa Roku mo sa ibaba.

Sa main Home screen, pumunta sa Home at piliin ang Netflix.

  1. Kung walang Netflix:

    • Pumunta sa Channel Store, tapos, Movies & TV.

    • Piliin ang Netflix, tapos, Add Channel, tapos, go to channel.

  2. Piliin ang Oo sa screen na Member ka ba ng Netflix? .

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang Roku mo.

  1. Magsimula sa home screen ng TV mo.

  2. Pindutin ang Netflix button sa remote mo.

  3. Kapag nasa Netflix app ka na, piliin ang Mag-sign In at sundin ang instructions sa screen.

Available ang Netflix sa mga piling Roku model. Kasama sa mga feature sa streaming ng Netflix para sa mga supported device ang:

Navigation
Sa karamihan ng mga device, makakapag-browse ka sa mga row ng mga TV show at pelikula, kasama ang isang row na para lang sa mga napili mo sa List Ko. Kumakatawan ang bawat row sa isang category (gaya ng mga comedy, drama, o TV show) na ipapakita namin sa iyo batay sa mga pinanood mo.

Resolution
Karamihan ng mga device ay makakapag-stream ng Netflix sa high definition sa may mabibilis na internet connection at magpe-play ng Netflix sa pinakamataas na supported resolution.

Mga kontrol ng magulang
Puwede kang mag-set ng mga kontrol ng magulang sa bawat profile.

Mga subtitle at alternate audio
Alamin kung paano i-on ang mga subtitle, closed caption, at alternate audio (kabilang ang 5.1 surround sound), na available sa maraming TV show at pelikula. Puwede mong piliin ang hitsura ng mga subtitle at caption sa maraming device. Ang ilang device ay nagpapakita ng mga subtitle at caption sa default na hitsura ng mga ito, o hindi naka-set up para magpakita ng mga subtitle.

Sa ilang device, puwede ka ring mag-stream ng mga piling title gamit ang Dolby Atmos audio.

Model

Resolution

Mga Subtitle at Audio

Roku 2
(4210X)

1080p Full HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Roku 3
(4200X, 4230X)

1080p Full HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Roku 4
(4400X)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Roku Express
(3700X, 3900X, 3930X)

1080p Full HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Roku Express+
(3710X, 3910X, 3931X)

1080p Full HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Roku Express 4K
(3940X)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound, Dolby Atmos

Roku Express 4K+
(3941X)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound, Dolby Atmos

Roku Premiere
(3920X, 4620X)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Roku Premiere+
(3921X, 4630X)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Roku Smart Soundbar
(9100X)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Roku Streambar
(9102X)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Roku Streambar Pro
(9101X)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Roku Streaming Stick
(3500X, 3600X, 3800X)

1080p Full HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Roku Streaming Stick+
(3810X, 3811X)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Roku Streaming Stick 4K
(3820X)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Roku Streaming Stick 4K+
(3821X)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Roku Ultra
(4640X, 4660X, 4670X)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Roku Ultra
(4800X)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound, Dolby Atmos

Roku Ultra LT
(4662X)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

**Para sa Roku 3 at mas luma, baka kailanganin mong manual na i-set ang display type mo sa 1080p para mag-stream sa resolution na ito.

Paalala:Para sa impormasyon o tulong sa Roku TV mo, tingnan ang Paano gamitin ang Netflix sa Roku TV mo.

Available ang Netflix sa Ultra HD sa mga piling Roku streaming media player. Para makapag-stream sa Ultra HD, kakailanganin mo ng:

  • 2014 o mas bagong Ultra HD TV na makakapag-stream ng Ultra HD content sa 60 Hz, naka-connect sa Roku mo sa pamamagitan ng HDMI port na may support para sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang ang HDMI 1 port).

  • Netflix plan na may support sa pag-stream sa Ultra HD.

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis pa.

  • Streaming quality na naka-set sa Auto o High.

Puwede kang manood ng Netflix sa Ultra HD sa mga sumusunod na Roku model:

  • Roku 4 (4400X)

  • Roku Express 4K (3940X)

  • Roku Express 4K+ (3941X)

  • Roku Premiere (3920X, 4620X)

  • Roku Premiere+ (3921X, 4630X)

  • Roku Smart Soundbar (9100X)

  • Roku Streambar (9102X)

  • Roku Streambar Pro (9101X)

  • Roku Streaming Stick+ (3810X, 3811X)

  • Roku Streaming Stick 4K (3820X)

  • Roku Streaming Stick 4K+ (3821X)

  • Roku Ultra (4640X, 4660X, 4670X, 4800X)

  • Roku Ultra LT (4662X)

Kung magkakaroon ka ng kahit anong problema sa pag-play ng content sa Ultra HD, sundin ang steps sa ibaba para masiguradong naka-configure ang Roku mo para sa Ultra HD output.

  1. Sa home menu ng Roku, piliin ang Settings.

  2. Piliin ang Display.

  3. Piliin ang 4k UHD TV.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Available ang Netflix sa HDR sa mga piling Roku streaming media player. Para mag-stream sa HDR, kailangan mo ng:

  • Netflix plan na may support sa pag-stream sa Ultra HD.

  • Streaming device na may support para sa Dolby Vision o HDR at Netflix.

  • Smart TV na may support para sa Dolby Vision o HDR10 na naka-connect sa device mo sa pamamagitan ng HDMI port na may support para sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang HDMI 1 port).

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis pa.

  • Streaming quality na naka-set sa High.

Puwede kang manood ng Netflix sa HDR sa mga sumusunod na Roku model:

  • Roku Express 4K (3940X)

  • Roku Express 4K+ (3941X)

  • Roku Premiere (3920X)

  • Roku Premiere+ (3921X, 4630X)

  • Roku Smart Soundbar (9100X)

  • Roku Streambar (9102X)

  • Roku Streambar Pro (9101X)

  • Roku Streaming Stick+ (3810X, 3811X)

  • Roku Streaming Stick 4K (3820X)

  • Roku Streaming Stick 4K+ (3821X)

  • Roku Ultra (4640X, 4660X, 4670X, 4800X)

  • Roku Ultra LT (4662X)

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

  1. Pindutin ang Home button para pumunta sa Home Menu ng Roku.

  2. I-highlight ang Netflix app at pindutin ang star key sa remote mo.

  3. Piliin ang Remove channel.

  4. Kapag nag-confirm ka sa pamamagitan ng pag-click ulit sa Remove channel, made-deactivate ang device.

    • Kapag na-deactivate ang Roku, maaalis ang Netflix channel sa main menu. Para ibalik ito, piliin ang Streaming Channels > Movies & TV > Netflix.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

    Paalala:Kung hindi mo nakikita ang Humingi ng Tulong, pumunta sa itaas at pilin ang Settings.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong, Mga Setting, o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, Magsimula Ulit, I-reset, o I-deactivate.

Mga Kaugnay na Article