Paano gumamit ng Netflix sa Amazon Fire TV device mo

Gamitin ang article na ito para alamin ang mga feature ng Netflix sa Amazon Fire TV device mo at kung paano i-set up, i-sign out, o i-delete ang app.

Mga voice control

Sa ilang rehiyon, puwede kang gumamit ng mga voice control gamit ang Alexa para makipag-interact sa Netflix. Kailangan ng feature na ito ng Amazon Voice Remote o iba pang Alexa-enabled device (halimbawa, Amazon Echo).

Resolution
Kaya ng karamihan ng mga device na mag-stream ng Netflix sa high definition sa may mabibilis na internet connection at ipe-play ng mga ito ang Netflix sa maximum supported resolution ng mga ito.

Device Series

Resolution

Mga Subtitle at Audio

Fire TV (1st generation)

1080p HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Fire TV (2nd generation)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Fire TV (3rd generation)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Fire TV Cube (1st generation)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound, Dolby Atmos

Fire TV Cube (2nd generation)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound, Dolby Atmos

Fire TV Stick (1st generation)

1080p HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Fire TV Stick (2nd generation)

1080p HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Fire TV Stick (3rd generation)

1080p HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound, Dolby Atmos

Fire TV Stick Basic Edition

1080p HD

Mga Subtitle, Alternate Audio, 5.1 Surround Sound

Fire TV Stick Lite

1080p HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Fire TV Stick 4K

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Fire TV Stick 4K Max

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound, Dolby Atmos

Fire TV 4-Series smart TV

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Fire TV Omni Series smart TV

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Anker Nebular Soundbar Fire TV Edition

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

TCL Alto 8+ Soundbar Fire TV Edition

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Para i-connect ang Amazon Fire TV device mo sa Netflix account mo, magsimula sa home screen.

  1. Sa main screen, piliin ang Search.

  2. I-type ang "Netflix," pagkatapos ay piliin ang Netflix.

  3. Piliin ang Netflix.

  4. Piliin ang Free o Download.

  5. Kapag tapos nang mag-download, piliin ang Open at sundin ang instructions sa screen.

Para i-disconnect ang Amazon Fire TV device mo sa Netflix account mo, magsimula sa home screen.

  1. Piliin ang Settings.

  2. Piliin ang Applications.

  3. Piliin ang Manage All Installed Applications.

  4. Mag-scroll pababa at piliin ang Netflix.

  5. Piliin ang Clear Data.

Para i-uninstall ang Netflix app sa Amazon Fire TV device mo, magsimula sa home screen.

  1. Piliin ang Settings.

  2. Piliin ang Applications.

  3. Piliin ang Manage All Installed Applications.

  4. Piliin ang Netflix.

  5. Piliin ang Delete o Uninstall.

Available ang Netflix sa Ultra HD sa mga piling Amazon Fire TV device (tingnan ang listahan sa "Mga Feature ng Netflix" sa itaas).

Para makapag-stream sa Ultra HD, kakailanganin mo ng:

  • Mga kinakailangan sa device:

    • Amazon Fire Smart TV: model na may support sa 4K UHD.

    • Mga Amazon Fire TV stick: 2014 o mas bagong Ultra HD TV na makakapag-stream ng Ultra HD content sa 60 Hz, naka-connect sa Fire TV device mo sa pamamagitan ng HDMI port na may support para sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang ang HDMI 1 port).

  • Netflix plan na may support sa pag-stream sa Ultra HD.

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis pa.

  • Streaming quality na naka-set sa Auto o High.

Kung walang Ultra HD sa Fire TV device mo, sundin ang steps na ito para siguraduhing may tamang display settings ang device mo:

  1. Sa home screen ng Amazon, pumunta sa Settings > Display & Sounds > Display.

  2. Buksan ang seksyong Video Resolution.

  3. Piliin ang Auto (up to 4K Ultra HD).

    Tandaan:Kung may nakikita kang option na Auto, pero wala kang nakikitang Auto (up to 4K Ultra HD), i-check kung natutugunan ng Amazon Fire TV device mo ang mga kinakailangan para sa Ultra HD sa itaas.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article