Paano gumamit ng mga voice control sa Netflix
Maraming voice-activated device at virtual assistant ang puwedeng gamitin para makontrol ang Netflix.
Mga voice-activated device
Ang mga voice-activated device ay may button sa remote control para sa mga voice command.
Para gumamit ng voice command:
Pindutin ang microphone button sa remote
Kapag nakikinig ang device, magsabi ng supported na voice command.
Kung hindi mo alam kung puwedeng voice-activated ang device mo, tanungin sa manufacturer.
Mga virtual assistant
Puwede ring gumamit sa Netflix ng mga virtual assistant tulad ng Amazon Alexa, Apple Siri, Google Assistant, at Samsung Bixby.
Para gumamit ng mga voice control:
Sabihin ang "wake word" ng assistant para i-activate ito. Sa ilang device, may button para i-activate ang assistant nang walang wake word.
Kapag nakikinig ang assistant, magsabi ng supported na voice command tulad ng, "Hi Bixby, launch Netflix," o "Hey Siri, open Netflix."
Paalala:Hindi sa lahat ng voice-activated device at virtual assistant supported ang lahat ng voice command sa Netflix.
Mga supported na voice command
Ang mga puwedeng gawin gamit ang voice command ay:
Buksan ang Netflix. Sabihin ang "Launch Netflix" o "Open Netflix."
Mag-search o mag-browse. Inirerekomenda naming magdagdag ng "on Netflix" kapag nagse-search, nagba-browse, o nagpe-play ng TV show o pelikula.
Para mag-browse ayon sa category, director, o actor, sundin ang mga halimbawang ito:
"Show me comedies on Netflix."
"Find movies by Steven Spielberg on Netflix."
"Show me movies with Tom Cruise on Netflix."
Para mag-search ng partikular na title, season, or episode:
"Find Bird Box on Netflix."
"Show me Stranger Things on Netflix."
Mag-play ng TV show o pelikula. Sabihin sa device mo ang pangalan ng TV show o pelikulang gusto mong panoorin, halimbawa, "Play The Irishman on Netflix."
Kontrolin ang playback. Para i-pause ang TV show o pelikulang pinapanood mo, sabihin ang "Pause." Magagamit mo rin ang iba pang kontrol tulad ng "play," "fast forward," at "rewind."
Paalala:Kung nagkakaproblema ka sa mga voice command, magtanong sa manufacturer ng device mo.