Paano gamitin ang Netflix sa PlayStation mo

Gamitin ang article na ito para alamin ang mga feature ng Netflix sa PlayStation mo, at kung paano mag-set up at mag-sign out sa account mo.

Kasama sa mga feature sa streaming ng Netflix sa PlayStation ang:

Resolution

  • PlayStation 3 at PlayStation 4: Mag-stream ng mga TV show at pelikula sa hanggang 1080p. Magsi-stream ang mga title na may HD symbol sa high definition kung kaya ng internet connection mo ang 5 megabits per second o mas mabilis pa.

  • PlayStation 4 Pro at PlayStation 5: Mag-stream ng mga TV show at pelikula sa hanggang 4K Ultra HD. Magsi-stream ang mga title na may Ultra HD symbol sa ultra high definition kung kaya ng internet connection mo ang 25 megabits per second o mas mabilis pa.

Pangalawang screen

Gamitin ang Netflix app sa iPhone, iPad, iPod touch, o Android device bilang pangalawang Screen para sa Netflix app sa PlayStation mo.

Para i-connect ang PlayStation mo sa Netflix account mo, siguraduhing nasa home screen ka at naka-connect ka sa PlayStation Network.

Mag-sign in sa Netflix

  1. Mula sa home screen, pumunta sa seksyong TV/Video Services at piliin ang Netflix icon.

    • Kung wala ka sa home screen, pindutin nang matagal ang PS button sa gitna ng controller mo, piliin ang Quit, tapos, piliin ang Yes para bumalik sa home screen.

  2. Piliin ang Mag-sign in sa home screen ng Netflix.

  3. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix.

Mag-sign in sa Netflix

  1. Mula sa home screen, pumunta sa seksyong TV & Video at piliin ang Netflix icon.

    • Kung wala ka sa home screen, pindutin ang PS button sa gitna ng controller mo.

  2. Piliin ang Mag-sign in sa home screen ng Netflix.

  3. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix.

Mag-sign in sa Netflix

  1. Mula sa home screen, pumunta sa seksyong Media.

  2. Piliin ang All Apps, pumunta sa Video and music apps, at piliin ang Netflix icon.

  3. Piliin ang Mag-sign in sa home screen ng Netflix.

  4. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix.

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

Para sa mga Japanese na PlayStation, gamitin ang O imbes na X para i-confirm ang napili at X imbes na O para i-cancel ang napili sa steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba.

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Pindutin ang O sa controller mo.

  3. Piliin ang gear icon.

  4. Piliin ang Mag-sign Out.

  5. Piliin ang Oo.

Kung hindi ka makapag-sign out gamit ang steps sa itaas, subukan ang sumusunod:

  1. Magsimula sa home screen ng PlayStation 3.

    • Kung wala ka sa home screen, pindutin nang matagal ang PS button sa gitna ng controller mo, piliin ang Quit, tapos, piliin ang Yes para bumalik sa home screen.

  2. Pumunta sa seksyong TV/Video Services at i-highlight ang Netflix.

  3. Pindutin ang X.

  4. Pagkapindot sa X, pindutin nang sabay ang Start at Select at pindutin ito nang matagal hanggang sa may lumabas na message na nagtatanong ng Do you want to reset your Netflix settings and re-register?

  5. Piliin ang Oo.

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Pindutin ang O sa controller mo.

  3. Piliin ang gear icon.

  4. Piliin ang Mag-sign Out.

  5. Piliin ang Oo.

Kung hindi ka makapag-sign out gamit ang steps sa itaas, subukan ang sumusunod:

  1. Magsimula sa home screen ng PlayStation 4.

    • Kung wala ka sa home screen, pindutin nang matagal ang PS button sa gitna ng controller mo, piliin ang Quit, tapos, piliin ang Yes para bumalik sa home screen.

  2. Pumunta sa seksyong TV & Video at i-highlight ang Netflix.

  3. Pindutin ang Options button sa controller mo.

  4. Piliin ang Delete.

  5. Piliin ang OK.

  1. Magsimula sa home screen ng game console.

    • Kung wala ka sa home screen, pindutin nang matagal ang PS button sa gitna ng controller, piliin ang Quit, tapos, piliin ang Yes.

  2. Pumunta sa seksyong TV/Video Services o TV & Video at i-highlight ang Netflix.

  3. Sa PlayStation controller, pindutin ang Triangle o Options button.

  4. Piliin ang Delete.

  5. Piliin ang Yes o OK.

Available ang Netflix sa HDR sa mga piling PlayStation 4 Pro at PlayStation 5. Para mag-stream sa HDR, kailangan mo ng:

  • Netflix plan na may support sa pag-stream sa Ultra HD.

  • Streaming device na may support para sa Dolby Vision o HDR at Netflix.

  • Smart TV na may support para sa Dolby Vision o HDR10 na naka-connect sa device mo sa pamamagitan ng HDMI port na may support para sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang HDMI 1 port).

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis pa.

  • Streaming quality na naka-set sa High.

Available ang Netflix sa Ultra HD sa PlayStation 4 Pro at PlayStation 5. Para mag-stream sa Ultra HD, kailangan mo ng:

  • TV na compatible sa pag-stream sa Ultra HD mula sa Netflix, na naka-connect sa PlayStation mo gamit ang HDMI port na may support sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang ang HDMI 1 port).

  • Netflix plan na supported ang pag-stream sa Ultra HD.

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis pa.

  • Streaming quality na naka-set sa Auto o High.

Mga Kaugnay na Article