Paano gamitin ang Netflix sa Philips TV o Blu-ray player mo

Gamitin ang article na ito para alamin ang mga feature ng Netflix sa Philips device mo, at kung paano mag-set up at mag-sign out sa account mo. Kung hindi mo alam kung gumagana ang Netflix sa device mo, sundin ang steps sa seksyong “I-set Up ang Netflix.”

Para i-connect ang Philips TV, Blu-ray player, o home theater system mo sa Netflix account mo, siguraduhing nasa Home screen ka at piliin ang option sa ibaba na pinakamahusay na naglalarawan sa device mo.

  1. Piliin ang Netflix.

  2. Piliin ang Mag-sign In.

    • Kung hindi mo makita ang Mag-sign In, piliin ang Oo sa screen na Member ka ba ng Netflix?

    • Kung hindi ka member, i-set up ang membership mo.

  3. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix at piliin ang Mag-sign In.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.

Para magsimula ulit o mag-sign in gamit ang ibang email address kahit kailan sa prosesong ito, gamitin ang arrow keys sa controller mo para i-enter ang sumusunod na sequence:

  • Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up

  • Piliin ang Sign Out, Start Over, o Deactivate.

  1. Pindutin ang Menu button.

  2. Piliin ang NET TV.

  3. Piliin ang Netflix.

  4. Piliin ang Mag-sign In.

    • Kung hindi mo makita ang Mag-sign In, piliin ang Oo sa screen na Member ka ba ng Netflix?

    • Kung hindi ka member, i-set up ang membership mo.

  5. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix at piliin ang Mag-sign In.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.

Para magsimula ulit o mag-sign in gamit ang ibang email address kahit kailan sa prosesong ito, gamitin ang arrow keys sa controller mo para i-enter ang sumusunod na sequence:

  • Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up

  • Piliin ang Sign Out, Start Over, o Deactivate.

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

    Paalala:Kung hindi mo nakikita ang Humingi ng Tulong, pumunta sa itaas at pilin ang Settings.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong, Mga Setting, o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, Magsimula Ulit, I-reset, o I-deactivate.

Available ang Netflix sa Ultra HD sa karamihan ng mga Philips Ultra HD TV. Para makapag-stream sa Ultra HD, kakailanganin mo ng:

Paalala:Hindi available ang Ultra HD sa ilang 2017 at 2018 Android TV-based Philips TV.

Available ang Netflix sa HDR sa mga piling Philips TV at Blu-ray player. Para mag-stream sa HDR, kailangan mo ng:

  • Smart TV na may support para sa Dolby Vision o HDR10 at Netflix.

    • Kung gumagamit ka ng HDR-capable na Blu-ray player, kailangan mo itong i-connect sa HDR-capable na smart TV gamit ang HDMI port na may support para sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang ang HDMI 1 port).

  • Netflix plan na may support sa pag-stream sa Ultra HD.

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis pa.

  • Streaming quality na naka-set sa Auto o High.

Mga Kaugnay na Article