Paglipat nang may Netflix

Lilipat sa loob ng kasalukuyang bansa

Kung lilipat ka sa ibang lugar sa loob ng kasalukuyan mong bansa, posibleng kailangan mong i-update ang Tirahan para sa Netflix mo para patuloy na makapanood ng Netflix at ma-enjoy ang parehong experience.

Tandaan:Dapat i-update ng mga customer sa US o Canada ang impormasyon nila sa billing para makatanggap ng tamang tax rate. Tingnan ang Mga tax sa membership mo sa Netflix para alamin pa.

Paglipat sa ibang bansa

Kung lilipat ka sa ibang bansa, narito ang ilang bagay na dapat mong malaman:

  • Magkakaiba ang presyo, currency ng billing, at mga available na paraan ng pagbabayad depende sa bansa.

  • Patuloy kang sisingilin ng presyo ng plan mo sa Netflix sa currency ng bansa kung saan ka nag-sign up.

    • Para palitan ang bansa para sa account mo:

      1. I-cancel ang account mo.

        Tandaan:Isi-save namin ang Activity sa Panonood mo sa loob ng 10 buwan pagkatapos mong isara ang account mo para mabalikan mo ito kapag sumali ka ulit. Isi-save din ang mga rekomendasyon, rating, at detalye ng account mo sa loob ng 10 buwan.

      2. Hintaying matapos ang billing period mo.

      3. I-restart ang account mo (Tandaan: kailangang naroon ka sa nilipatan mong bansa kapag ni-restart mo ang account mo).

  • Puwedeng magbago ang mga mapagpipilian mong TV show at pelikula. Magbabago ang mga pagpipilian mo para sa pag-stream at pag-download depende sa bansa.

  • Posibleng magbago ang mga option sa audio at subtitle.

  • Magkakaiba ang mga maturity rating depende sa bansa. Baka kailangang i-update ang mga setting mo ng kontrol ng magulang.

    • Para i-update ang mga maturity rating ng profile para mag-match sa bansa kung saan ka lumipat, sundin ang steps sa itaas para palitan ang bansa ng account mo.

    • Kung na-set up ang account mo gamit ang pag-verify ng edad, sundin ang steps sa itaas para palitan ang bansa ng account mo.

  • Kung nakakatanggap ka ng mga email na Ano ang pinapanood mo o Mga rekomendasyon sa papanoorin at higit pa at lumipat ka sa ibang bansa, ang ipapakita pa rin sa email ay mga TV show at pelikula sa bansa kung saan ka nag-sign up. Puwede kang mag-unsubscribe mula sa mga ito sa Settings ng Notification mo.


Maliban kung kakalipat mo lang, hindi mo puwedeng palitan ang bansa ng account mo.

Para sa mga tanong sa pag-troubleshoot, pumunta sa Akala ng Netflix ay nasa ibang bansa ako.

Mga Kaugnay na Article