Kung sinunod mo ang nakaraang steps at nagkakaproblema ka pa rin, kailangan mong makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa paglutas ng problema.
Bago makipag-ugnayan sa ISP mo
Kakailanganin ng ISP mo ang ilang impormasyon tungkol sa network mo kapag nakipag-ugnayan ka sa kanila:
Gamit ang computer o mobile device na nasa parehong network ng device na may problema, magbukas ng web browser.
Pumunta sa fast.com. Magsisimula ang Netflix ng connection test.
Kapag natapos na ang test, i-click ang Magpakita pa ng impormasyon.
Sa tabi ng Client, tandaan ang bansa, at ang IP address mo.
Tandaan:Ang IP address mo ay ang grupo ng mga number at/o letter na may tuldok (.) o colon (:) sa pagitan ng mga ito.
Kapag nakipag-ugnayan ka sa ISP mo
Sabihin sa kanila ang tungkol sa problema, at ang steps para sa pag-troubleshoot na nasubukan mo na.
I-share ang bansa at IP address na nakolekta mo kanina, at ipa-confirm na nagma-match ang mga ito sa lokasyon at IP address na itinalaga sa bahay mo.
Kung hindi nag-match ang impormasyon, kailangang direktang makipagtulungan ng ISP sa Netflix para ayusin ang problema. Hilingin sa kanilang makipag-ugnayan sa aming customer service team.
Kung hindi nag-match ang impormasyon, hilingin sa ISP mo na i-confirm kung ginagamit ng connection mo ang kanilang DNS server.
Kung ginagamit nga ng ISP mo ang kanilang DNS server, kailangan nilang direktang makipagtulungan sa Netflix para ayusin ang problema. Hilingin sa kanilang makipag-ugnayan sa aming customer service team.
Kung hindi nito ginagamit ang DNS server nila, humingi ng tulong sa kanila para makalipat sa DNS server nila. Pagkatapos ay i-restart ang Netflix app mo at subukan ulit.