Paano i-on o i-off ang mga autoplay preview
Para masilip ang mga TV show at pelikula, puwede mong i-set ang Netflix para automatic itong mag-play ng mga preview.
Tandaan:Hindi sinu-support ng ilang mas lumang TV at device ang mga autoplay preview.
Android phone o tablet, iPhone, o iPad
Buksan ang Netflix app.
Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.
Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Netflix Ko.
I-tap ang I-manage ang mga Profile.
Piliin ang profile na gusto mong i-edit.
I-toggle ang switch sa tabi ng I-autoplay ang mga Preview para i-on o i-off ang setting.
Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Tapos na.
Web browser
Gamit ang browser, pumunta sa Account page mo.
Piliin ang Mga Profile, at pumili ng profile.
Piliin ang Settings ng playback.
I-check o i-uncheck ang I-autoplay ang mga preview habang nagba-browse sa lahat ng device.
Tandaan:Sa mga TV, kapag inoff ang i-autoplay ang mga preview, hindi hihinto ang pag-autoplay sa page ng mga detalye ng isang TV show o pelikula.
Piliin ang I-save.
Baka kailangan mong i-refresh ang device mo para makuha ang na-update na settings.
Para i-refresh:
Lumipat sa ibang profile, pagkatapos ay bumalik.
O, sa menu sa kaliwa, piliin ang Humingi ng Tulong > I-reload ang Netflix.