Ginagamit ang email address ko sa ibang Netflix account

Kung ginagamit na ang email address mo kapag sinusubukan mong mag-sign up para sa isang Netflix account, o naniniwala kang may gumawa ng Netflix account gamit ang email address mo, sundin ang steps sa ibaba:

  1. Pumunta sa netflix.com/loginhelp.

  2. Piliin ang option na i-reset ang password mo sa pamamagitan ng Email.

  3. Ilagay ang email address mo at piliin ang I-email Ako.

    • Kung nakatanggap ka ng password reset email, sundin ang steps para gumawa ng bagong password at i-recover ang Netflix account mo.

    • Kung may makikita kang error na nagsasabing “Walang nakitang account para sa email address na ito,” ituloy ang pag-troubleshoot sa ibaba.

Puwede kang maglagay ng ibang email address sa kahit anong profile na may rating na Lahat ng Maturity para makatanggap ng mga personalized na rekomendasyon at iba pang komunikasyon mula sa Netflix.

Hindi puwedeng gamitin ang mga email address na nauugnay sa dati nang profile para mag-sign up para sa bagong account, kaya kakailanganin mong alisin ang email address mo sa profile.

Para alisin ang email mo sa isang profile:

  1. Mag-sign in sa Account mo.

  2. Sa seksyong Profile at Mga Kontrol ng Magulang, piliin ang profile na gusto mong baguhin.

    • Sa ilang account, piliin ang Mga Profile, pagkatapos ay pumili ng profile.

  3. Piliin ang Profile email o Email.

  4. I-click ang I-delete ang email address.

Kung nagawa mo na ang steps sa itaas pero hindi ka pa rin makapag-sign up, makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang tulong.

Posibleng hindi mo sinasadyang magbukas ng isa pang account dahil sa maling pag-type ng email o paggamit ng ibang email address para mag-sign in.

  1. Pumunta sa netflix.com/loginhelp.

  2. Pindutin ang option na i-reset ang password mo sa pamamagitan ng Email.

  3. Ilagay ang email address mo at piliin ang I-email Ako.

    • Kung may natanggap kang email para sa pag-reset ng password, posibleng may duplicate kang account. Makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang tulong.

    • Kung may makikita kang error na nagsasabing “Walang nakitang account para sa email address na ito,” ituloy ang pag-troubleshoot sa ibaba.

Puwede kang maglagay ng ibang email address sa kahit anong profile na may rating na Lahat ng Maturity para makatanggap ng mga personalized na rekomendasyon at iba pang komunikasyon mula sa Netflix.

Kailangan mong alisin ang email address mo sa dati nang profile bago mo ito mailagay sa ibang profile.

Para alisin ang email mo sa isang profile:

  1. Mag-sign in sa Account mo.

  2. Piliin ang Mga Profile, at pumili ng profile.

  3. Piliin ang Email.

  4. I-click ang I-delete ang email address.

Kung nagawa mo na ang steps sa itaas pero hindi mo pa rin mapalitan ang email ng account mo, makipag-ugnayan sa amin para sa tulong.

Baka may nagkamaling gumamit ng email address mo para gumawa ng Netflix account. Makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang tulong.

Mga Kaugnay na Article