Paano i-autoplay ang susunod na episode

Puwede mong i-set ang Netflix na automatic na i-play ang susunod na episode sa TV series.

Android phone o tablet, iPhone, o iPad

  1. Buksan ang Netflix app at pumili ng profile.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang I-manage ang Mga Profile.

  5. Piliin ang profile na gusto mong i-edit.

  6. I-toggle ang switch sa tabi ng I-autoplay ang Susunod na Episode para i-on o i-off ang setting.

  7. I-tap ang Tapos na (mga iPhone at iPad lang).

Web browser

  1. Gamit ang browser, pumunta sa Account page mo.

  2. Piliin ang Mga Profile, at pumili ng profile.

  3. Piliin ang Settings ng playback.

  4. I-toggle ang switch sa tabi ng I-autoplay ang Susunod na Episode para i-on o i-off ang setting.

Automatic na ia-update ang preference mo. Baka kailangan mong i-refresh ang device mo para makuha ang na-update na settings.

Para mag-refresh:

  • Lumipat sa ibang profile, pagkatapos ay bumalik.

  • O kaya, mag-sign out sa Netflix account mo at mag-sign in ulit.

Mga kaugnay na article

Mga Kaugnay na Article