Hindi automatic na nagpe-play ang susunod na episode

Kung hindi kusang nagpe-play ang susunod na episode, gawing automatic na i-play ang susunod na episode ang settings mo sa profile. Kung hindi maaayos ng pagbago sa setting ang problema, sundin ang steps na ito.

  1. Kumonnect sa Wi-Fi network. Hindi automatic na ipe-play ng Netflix ang susunod na episode kapag sa mobile network naka-connect para maiwasang gumamit ng mas maraming data kaysa sa inaasahan.

  2. I-update ang Netflix app sa pinakabagong version:

  3. Bunutin ang kahit anong video cable o adapter na nagko-connect ng phone o tablet mo sa TV mo. Kung gagana ito, ibig sabihin ay walang support ang device mo sa automatic na pag-play ng susunod na episode kapag naka-connect ito sa TV.

I-restart ang device mo
  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article