Bakit hindi nagpe-play sa wika mo ang isang device

Kapag sinusubukang manood ng Netflix sa TV o mobile device mo, baka makakita ka ng message na hindi sumu-support ang device sa lokal na wika mo o sa na-set mong preference sa wika.

Dalawa ang posibleng dahilan nito:

Outdated na app

Baka kailangang i-update ang version ng Netflix app sa device mo.

I-install ang lahat ng available na update sa app para sa device mo para magamit mo ang lahat ng sinu-support na wika para sa device na iyon.

Mas lumang device

Baka hindi sumu-support sa Netflix sa gusto mong wika ang ilang mas lumang device. Puwede mong gamitin ang app sa English, o sumubok ng ibang device.

Mga Kaugnay na Article