Sabi ng Netflix, ginagamit na ang account

Kung nakikita mo ang error code na E123 o alinman sa mga message na ito kapag nag-play ka ng TV show o pelikula:

Napakaraming gumagamit ng account mo sa ngayon.

Ginagamit sa ibang device ang Netflix account mo.

Ginagamit sa napakaraming device ang Netflix account mo.

Ibig sabihin, naabot na ang maximum na dami ng device na puwedeng manood nang sabay-sabay gamit ang Netflix account mo. Depende sa Netflix plan mo kung ilang device ang puwedeng manood nang sabay-sabay gamit ang account mo.

Para ayusin ang problema:

  • Sa ibang device na gumagamit ng account mo, itigil ang pag-play ng Netflix o isara ang Netflix app. Kung hindi mo alam kung aling mga device sa account mo ang sabay na nagpe-play ng Netflix, puwede mong tingnan kung aling mga device ang kakapanood lang.

    Tandaan:Pagkatapos itigil ang Netflix sa ibang device, posibleng kailangan mong maghintay nang 5–10 minuto bago ka makapanood sa device mo.

  • O, i-upgrade ang Netflix plan mo para payagan ang mas maraming device na makapanood nang sabay-sabay (hanggang 4 sa Premium plan).

Kung ginagamit ang account mo nang walang pahintulot mo, puwede mong pigilan ang ibang tao na gamitin ang account mo.

Mga Kaugnay na Article