Paano mag-sign in sa Netflix

Para mag-sign in, sundin ang steps para sa device mo sa ibaba. Kung nagkakaproblema ka sa pag-sign in sa Netflix account mo, tingnan ang Hindi makapag-sign in sa Netflix.

TV o TV streaming device

Mag-sign in sa smart TV o device na kumo-connect sa TV, kasama na ang: mga streaming stick at media player, cable box, Apple TV, at Xbox o PlayStation game console.

Illustration of a smartphone scanning a QR code displayed on a TV screen, showing how to sign in using a QR code

  1. Sa TV mo, buksan ang Netflix at piliin ang Mag-sign in.

  2. Itapat ang camera ng phone o tablet mo sa TV at i-tap ang lalabas na link.

  3. Sundin ang steps sa phone o tablet mo para mag-sign in sa TV mo.

Tandaan: Kung wala kang nakikitang sign-in code ayon sa pinapakita sa larawan, kakailanganin mong gamitin ang remote mo para makapag-sign in.

llustration of a laptop, mobile phone, and TV screen displaying a Netflix login page showing how to sign in from a web browser

  1. Sa TV mo, buksan ang Netflix at piliin ang Mag-sign in.

  2. Sa computer o mobile device mo, pumunta sa netflix.com/tv2. Kung mayroon kang Apple TV, pumunta sa netflix.com/atv.

  3. Sundin ang steps sa browser mo para mag-sign in sa TV mo. Posibleng kailangan mong mag-sign in muna sa Netflix.

Tandaan:Kung wala kang nakikitang sign-in code ayon sa pinapakita sa larawan, kakailanganin mong gamitin ang remote mo para makapag-sign in.

  1. Sa TV mo, buksan ang Netflix at piliin ang Mag-sign in.

  2. I-toggle sa Gamitin ang Remote.

  3. Kapag na-prompt ka, ilagay ang email address o phone number mo at piliin ang Susunod.

    1. Kung mayroon ka nang nakalagay na email address o phone number, siguraduhing tama ito.

  4. Piliin ang Magpadala ng Sign-In LinkoPassword na lang ang gamitin.

  • Magpadala ng Sign-In Link: I-click o i-tap ang link sa email na ipinadala namin sa iyo. Automatic na masa-sign in ang TV mo.

    Tandaan: Depende sa TV mo, baka hindi mo makita ang option na Magpadala ng Sign-In Link.

  • Password:Siguraduhing tama ang email address sa screen, at pagkatapos ay gamitin ang remote mo para ilagay ang password mo.

    • Kung mali ang ipinapakitang email address o may typo ito, piliin ang Bumalik para ilagay ito ulit.

Phone o tablet

Mag-sign in sa mobile app sa Android phone o tablet, iPhone, o iPad.

  1. Sa mobile phone o tablet mo, buksan ang Netflix at piliin ang Gumamit ng Sign-In Code.

  2. Ilagay ang email address o phone number mo.

  3. Piliin ang Magpadala ng Code.

  4. Ilagay ang 4-digit code na ipinadala sa iyo sa pamamagitan ng email o text message sa device mo. Mag-e-expire ang code sa loob ng 15 minuto.

  1. Sa mobile phone o tablet mo, buksan ang Netflix at piliin ang Mag-sign In.

  2. Ilagay ang email address o phone number at password mo.

  3. Piliin ang Mag-sign In.

Computer o web browser

Mag-sign in sa Netflix website o Netflix app para sa Windows 10 o mas bago.

  1. Sa web browser, pumunta sa netflix.com o buksan ang Netflix sa Windows computer o tablet at i-click ang Gumamit ng Sign-In Code.

  2. Ilagay ang email address o phone number mo.

  3. Piliin ang Magpadala ng Code.

  4. Ilagay ang 4-digit code na ipinadala sa iyo sa pamamagitan ng email o text message sa device mo. Mag-e-expire ang code sa loob ng 15 minuto.

  1. Sa web browser, pumunta sa netflix.com o buksan ang Netflix sa Windows computer o tablet at i-click ang Mag-sign In.

  2. Ilagay ang email address o phone number at password mo.

  3. Piliin ang Mag-sign In.

Mga Kaugnay na Article