Paano gumawa at mag-manage ng mga game handle sa Netflix

Pumili ng natatanging pangalang gagamitin habang naglalaro ng Netflix games.

  • Lalabas ang mga game handle sa ilang larong may mga feature tulad ng mga leaderboard.

  • Ang handle na pipiliin mo ay gagamitin sa lahat ng Netflix games na supported ang mga ito.

  • Puwedeng magkaroon ang bawat Netflix profile ng isang game handle.

    Paalala:Hindi puwedeng gumamit ng mga game handle sa mga Pambatang profile dahil hindi ka puwedeng maglaro ng games sa Pambatang experience.

  • Hindi ka puwedeng gumamit ng handle na napili na ng ibang player.

  • Para sa ilang game, kakailanganin mong gumawa ng handle bago mo malaro ang game.


Paggawa o pagpalit sa game handle mo

Kung kailangan ng handle sa isang game, kakailanganin mong gumawa ng ganito para sa profile mo bago ka makapaglaro.

May ilang laro kung saan puwede kang gumawa ng handle pero hindi ginagamit ang feature sa game sa ngayon.

  1. Buksan ang game sa mobile device mo.

  2. Piliin ang profile na gusto mong gawan ng handle.

  3. Sa kanang sulok sa itaas ng screen, i-tap ang profile icon mo.

  4. I-tap ang Gumawa ng Game Handle o I-manage ang Game Handle.

  5. Maglagay ng natatanging handle, at i-tap ang I-save.

  1. Buksan ang Netflix app sa Android mobile device mo.

  2. Piliin ang profile na gusto mong gawan ng handle.

  3. I-tap ang Games tab sa ibaba ng screen mo.

  4. Hanapin ang banner na Gumawa ng Netflix game handle mo at i-tap ang Magsimula. Kapag nakagawa ka na ng handle, mapapalitan mo ito kapag nag-tap sa edit icon sa tabi ng pangalan ng handle mo sa Games tab.

  5. Maglagay ng natatanging handle, at i-tap ang I-save.

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang I-manage ang mga Profile.

  5. Piliin ang profile na gusto mong i-edit.

  6. I-tap ang Game handle.

  7. Maglagay ng natatanging handle, at i-tap ang I-save. Mag-manage o mag-update ng kasalukuyang handle sa pamamagitan ng paglalagay ng bagong natatanging pangalan, at pag-tap sa I-save.

  1. Gamit ang browser, pumunta sa I-manage ang mga Profile.

  2. Piliin ang profile na gusto mong gawan ng handle.

  3. Sa seksyong Game Handle, ilagay ang natatanging pangalang gusto mong gamitin. Mag-manage o mag-update ng kasalukuyang handle sa pamamagitan ng paglalagay ng bagong natatanging pangalan.

  4. Kapag tapos ka na, piliin ang I-save sa ibaba ng window mo.

Mga tip sa paggawa ng handle

Ang mga handle ay dapat:

  • May haba na 3-16 characters.

  • Hindi gumagamit ng mga emoji, bantas, o special characters.

  • Hindi dapat gumamit ng mahigit sa isang script o wika.


Error message habang gumagawa ng mga handle

  • Hindi available ang handle: Ang handle na sinusubukan mong gawin ay ginagamit na ng iba. Para maayos ito, pumili ng ibang handle, o subukang magdagdag ng kahit ano sa handle para gawin itong natatangi.

    • Halimbawa: Kung sinusubukan mong gamitin ang "CoolCat" at natatanggap mo ang error na ito, puwede kang sumubok ng alternatives tulad ng "CoolCat1," "CoolCat2," "CoolestCat," "CoolerCat," atbp.

      Paalala:Hindi case sensitive ang mga handle, kaya ang "CoolCat" ay kapareho lang ng "coolcat" o "COOLCAT" kapag pumipili ng handle.

  • Dapat may 16 characters pababa: May 16-character limit ang mga handle. Sumubok ng mas maikling handle.

  • Dapat may 2 characters pataas: Dapat may mahigit 2 characters ang mga handle. Sumubok ng mas mahabang handle.

  • Hindi pinapayagan ang handle: Lumalabas ito kapag hindi nakaayon ang handle sa Community Guidelines namin. Sumubok ng ibang handle para magpatuloy.


Mga tanong tungkol sa mga handle

Papalitan ng Netflix ang mga handle na hindi nakaayon sa community guidelines namin, at magpapadala kami ng email sa address sa account kung gagawin namin ito.

Kung hindi mo ito pinalitan o kung hindi ito pinalitan ng ibang taong gumagamit ng account mo at wala kang natanggap na email mula sa Netflix, sundin ang steps para pigilan ang ibang tao na gamitin ang account mo.

Sa Netflix, gusto naming maramdaman ng lahat na ligtas at welcome sila kapag naglalaro ng games namin. Para siguradong masaya ang experience ng lahat, pinapalitan namin minsan ang mga handle para umayon sa Netflix Games Community Guidelines namin. Puwede mong palitan ang handle mo kahit kailan, sundin lang ang steps sa itaas.

Kung may makita kang handle na hindi sumusunod sa community guidelines at gusto mo itong i-report, makipag-ugnayan sa amin at ipaalam sa amin kung ano ang handle.

Mga Kaugnay na Article