Paano gumawa ng profile para sa mga bata

Para i-manage ang mga uri ng mga show, pelikula, at games na puwedeng panoorin at laruin ng mga bata at iba pang tao sa Netflix account mo, puwede kang gumawa ng mga indibidwal na profile na may mga naka-customize na maturity rating. Puwedeng mag-add ng mga profile sa mga device na ginawa pagkalipas ng 2013.

  1. Pumunta sa page mo na I-manage ang mga Profile gamit ang device sa ibaba:

    • TV o streaming device: Pumunta sa screen ng pagpili ng profile at piliin ang Mag-add ng Profile+.

    • Android phone o tablet, iPhone, o iPad: Sa kanang bahagi sa ibaba ng Netflix app, i-tap ang Netflix Ko, i-tap ang profile mo, at i-tap ang I-manage ang mga Profile.

    • Web browser: Pumunta sa page mo na I-manage ang mga Profile.

  2. Piliin ang Mag-add ng Profile.

  3. Maglagay ng pangalan sa profile. Para gamitin ang Netflix Kids experience, piliin ang Pambata, Pambatang Profile, o Bata? depende sa device mo.

    • May logo ang mga Pambatang profile sa profile icon kaya madaling makilala ang mga ito.

  4. Piliin ang Magpatuloy. Lalabas ang bagong profile sa list ng mga profile sa account mo.

Kung hindi ka makagawa ng profile gamit ang device mo o kapag gumagamit ng mobile browser, pumunta sa netflix.com sa isang computer at sundin ang steps sa itaas.

Tandaan: Hindi puwedeng i-set up bilang Pambatang profile ang main profile sa Netflix account mo.


Puwede ka ring mag-edit ng umiiral na secondary profile gamit ang mga device na ito.

Android phone o tablet, iPhone, o iPad

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko, i-tap ang profile mo, at i-tap ang I-manage ang mga Profile.

  3. Sa profile na gusto mong i-edit, i-tap ang icon na I-edit.

  4. I-tap ang Mga Restriction sa Panonood.

  5. I-tap ang Maturity Rating.

  6. Ilagay ang password ng Netflix account mo.

  7. I-tap ang Pambatang Profile, at i-tap ang icon na Bumalik.

  8. I-tap ang I-restart ang App.

Web browser

  1. Gamit ang browser, pumunta sa page na I-manage ang mga Profile at piliin ang profile na gusto mong i-edit.

  2. Sa Settings ng Maturity, piliin ang I-edit.

  3. Ilagay ang password ng Netflix account mo.

  4. Piliin ang Ipakita ang Netflix Kids experience na may mga title na pambata lang.

  5. Piliin ang I-save.

Kapag pumili ka ng maturity rating na mas mataas sa level na pinayagan para sa Netflix Kids experience, hindi maa-apply ang Kids experience sa profile na iyon.


Ang Netflix Kids experience

Ang Netflix Kids experience profile:

  • May logo sa profile icon kaya madaling makilala.

  • Pinasimple ang hitsura at mga function.

  • Inaalis ang direktang access sa settings ng account.

  • Mga show, pelikula, at games lang na pinili nang mabuti para sa mga bata ang pine-play.

Tandaan:Baka kailangang i-refresh ang device mo para makuha ang updated settings. Para mag-refresh:

  • Lumipat sa ibang profile, pagkatapos ay bumalik.

  • O kaya, mag-sign out sa device mo at mag-sign in ulit.

Mga Kaugnay na Article